Home Blog

Sino-sino ang Maaaring Makakatanggap ng COVID-19 Vaccine Injury and Death Compensation?

0

Ayon kay Dr. Shirley Domingo, Group Vice President ng PhilHealth Corporation, sa isang interview na mayroong Php 500 million na pondo ang ahensya na nakalaan para sa pagpapa-ospital o kaya pagpapalibing ng mga magkakaroon/nagkaroon ng masamang epekto mula sa bakuna para COVID. Ang siguradong makaka benepisyo umano nito, ayon pa din kay Dr. Domingo, ay ang mga makakaranas o dumaranas ng serious adverse effects na nangangailangan ng hospitalisasyon, kasama na pati ang permanenteng pagkabalda at pagkamatay.  

Ang maaaring tumanggap umano nito, ayon sa doktor, ay ang mga primary dependent o ang asawa o kaya mga anak. Kung wala umanong asawa o anak, ang tatanggap ay ang secondary beneficiary o ang magulang ng pasyente. Sabi pa din ni Dr. Shirley Domingo, kailangan umanong malinaw na mapatunayan na dulot talaga ng bakuna ang injury o kaya ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng “casualty assessment”.

Ayon sa PhilHealth Circular 2021-0007, ang basehan ng mga sinasabi ni Dr. Domingo, mayroong tinatayang aabot sa Php 100,000 kada beneficiary kung sakaling magkakaroon ng permanent disability o kaya naman ay kamatayan dulot ng adverse effects ng bakuna. Hanggat ang bakuna umano na ginamit ay may pahintulot mula sa gobyerno ng bansa o sa ilalim ng Philippine COVID-19 Vaccination Program, makakatanggap pa din umano ang mga biktima kahit na ang kanilang bakuna ay binili mula sa private sector. 

Kasama umano sa mga pwedeng mabigyan ng compensation ay ang mga nag pile/magpa pile mula March 3, 2021 hanngang March 2, 2026 o hanggang sa matapos ang vaccination program ng bansa. Upang matiyak na nagpabakuna talaga ang isang nagki claim, kinakailangang mayroon silang vaccination card at iba pang mga dokumentong legal na magpapatunay. Higit sa lahat, ayon pa din sa circular ng PhilHealth, kinakailangang hindi pa aprobado ang Certificate of Product Registration (CPR) ng bakunang ginamit.

Sa iba namang circular ng PhilHealth, dati nang naglabas ang ahensya ng mga kasong maaring sagutin ng Php 100,000 compensation para sa adverse effects mula sa bakuna. Ang mga ito ay anaphylaxis, thrombocytopenia, generalized convulsion, acute disseminated, encephalomyelitis, Guillain Barré Syndrome, acute respiratory distress syndrome, multisystem inflammatory syndrome (children & adults), acute cardiovascular injury (kasama na ang myocarditis/pericarditis, microangiopathy, heart failure, stress cardiomyopathy, at coronary artery disease arrhythmia.

Dagdag pa sa mga maaaring problemang susulpot matapos magpabakuna, ayon sa nakasulat sa PhilHealth circular, ay ang coagulation disorder (kasama ang: thrombotic disorders, bleeding disorders), anosmia, ageusia, chilblain, errythema multiforme, Single Organ Cutaneous Vasculitis, acute kidney injury, acute liver injury, acute pancreatitis, rhabdomyolysis, subacute thyroiditis, acute aseptic arthritis, aseptic meningitis, encephalitis / encephalomyelitis, at Idiopathic Peripheral Facial Nerve Palsy.

Ayon pa din kay Dr. Domingo, kanila rin daw umanong paiimbistigahan ang mga naireport na mga pandarayang nangyayari sa mga ospital ngayon. Ito ay ang tinatawag na “updating” o ang pagdeklara sa death certificate na COVID ang ikinamatay ng isang pasyente kahit na hindi naman. Ang mga balitang ganito ay bihira lang lumalabas sa mga news pero madalas mong marinig sa kalye o mga tao mismo, mula pa noong nagsimula ang COVID scam. Karamihan sa mga doktor, ayon umano sa mga nagrereklamong taong bayan, ay kasabwat ng mga health officials ng gobyerno sa pag gawa ng mga illegal na gawain upang makakuha ng pera mula sa PhilHealth. Kaya naman malinaw na sinabi ni Dr. Domingo na ito ay nararapat na paimbistigahan upang masampahan ng kaukulang kaso ang sino mang mapatunayang nagkasala.   

References:  

https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/circ2021-0007.pdf

https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/007/AnnexB_ListOfConditions.pdf

https://www.philhealth.gov.ph/news/2021/vaccine_compensation.pdf

https://www.facebook.com/gmapublicaffairs/videos/541122190250957

Featured image: https://www.manilatimes.net/2022/02/23/news/national/philhealth-very-liquid/1833936

Hindi Bakunadong mga Estudyante at mga School Employee, Papayagan nang Makapasok sa Face-to-face Class ayon sa CHED

0
Waving colorful national Philippine flag

BIglaang inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) noong Lunes, August 29, 2022 na maaari na umanong makapasok ang mga estudyante at mga staff ng paaralan kahit sila ay hindi bakunado o kaya hindi pa nagpa booster. Sa isang virtual conference, inanunsyo ni CHED chairperson J. Prospero de Vera III ang pagbabago sa polisiya na nagpapahintulot sa mga hindi bakunadong mga estudyante at mga teaching at non-teaching staff na makapasok sa paaralan.  

Ayon pa kay chairperson de Vera III:

“Pinapayagan na namin ang mga bakunado at mga hindi pa bakunado kasama ang mga faculty members at mga employees na pumasok sa face to face classes o bumalik na sa kanilang mga trabaho. Ito ang bagong polisiya sa ngayon.

Binago namin ang polisiya dahil mataas naman ang bilang ng vaccination sa higher education institutions (HEIs) at mababa na rin sa ngayon ang bilang ng at-risk individuals kung kaya madali na itong kontrolin sa parte ng HEIs, tulad din ng sa ibang bansa. Natoto rin tayo kagaya ng mga nasa ibang bansa at atin naman itong inaaplay dito at of course, sa nakikita ng ating mga eksperto, mababa na talaga ang bilang ng mga at-risk individuals.”

Noong nakaraang Lunes, August 22, 2022, nag apila naman sina PAO (public attorney’s office) chief Atty. Persida Acosta sa CHED na dapat umano ay sundin nito ang polisiya ng Department of Education (DepEd) na payagang makapasok ang mga hindi pa bakunadong mga estudyante at mga employee ng mga paaralan. Ito umano ay dahil sa hindi naman mandatory ang pagbabakuna at karapatan ng bawat estudyante na tumanggi sa isang medical procedure kapag ayaw nito isugal ang kalusugan, lalo na sa isang eksperimental na bakuna.

Dinagdag din ni PAO chief Acosta sa pahayag sa apila na “kinikailangan sundin at i-adapt ng CHED ang mga patakaran ng DepEd”, lalo na at ito ang polisiyang inanunsyo ni Vice-President and Education Department Secretary Sara Z. Duterte ilang linggo lang ang nakalipas.

Matatandaan naman na noong August 3, 2022, sinabi ni PAO chief of the Forensics Division na si Dr. Erwin Erfe sa harap ni Judge Maria Cherell de Castro-Sansaet ng Quezon City Regional Trial Court’s Branch 222 na tinatago umano ng DOH ang mga katotohanan tungkol sa adverse effects ng COVID vaccine, lalo na sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang. At ayon pa kay Dr. Erfe, bukod sa tinatago ng DOH ang mga datos tungkol dito, pinapasinungalingan din daw umano ng ahensya ang mga report tungkol sa adverse effects ng bakuna,

References:

https://www.pna.gov.ph/articles/1182440

https://www.manilatimes.net/2022/08/25/news/national/fda-report-bares-2573-jab-related-deaths/1855901

https://www.manilatimes.net/2022/08/03/news/national/doh-hides-truth-on-covid-vaccines/1853204

Mga Kaso ng Serious Adverse Events (SAE) Mula sa FDA, Tinatanggi ng mga Health Authorities

0
Row Covid-19 or Coronavirus vaccine flasks on white background

Inilabas kalian lang ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines ang datos na nagpapakitang mayroong nasa 2,573 ang kaso ng pagkamatay na konektado sa COVID vaccine, kasama pati ang pagkamatay ng 12 na batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang. Mariin naman itong tinatanggi ng FDA at ng mga health authorities sa Department of Health (DoH). Ayon sa kanila, ang mga fatalities umano na ito na naitala mula March 10, 2021 hanggang July 25, 2022 ay bunga ng underlying medical condition at hindi ng adverse effects ng bakuna.

Samantala, inipahayag naman ni Dr. Erwin Erfe, ang forensic doctor ng Public Attorney’s Office (PAO) na mayroon ngang direktang koneksyon ang mga pagkakamatay na ito sa eksperimental na bakuna para sa COVID. Sinabi din nito na mayroong namang clearance mula sa mga doktor bago bigyan ng bakuna ang may mga comorbidities or underlying medical condition ngunit ito ay binabalewala ng DOH at ng mga doktor at patuloy pa rin sila sa pagbabakuna kung kaya marami ang nagkaroon ng seryosong adverse reactions. At ayon pa sa kanya:   

“Mahalagang tandaan na sa ngayon, niro-roll out na ng DoH ang bakuna para sa mga batang nasa edad 5 to 11 taong gulang kung kaya isa na naman itong pagpapabaya, misrepresentasyon, misinformation, at masamang desisyon.

Samantala, isa namang nagngangalang Jhon Kevin Arado ang nag post sa Facebook tungkol sa kanyang serious adverse effects (SAE) na naranasan matapos siyang bakunahan ng AstraZeneca. Ayon pa sa kanyang salaysay:

“Ang una kong shot ay noong June 9, 2021. Nakaranas ako ng sakit sa ulo, lagnat, panlalamig, pamamaga ng mga paa, pananakit ng mga muscle at sa injection site, at mababang enerhiya na tumagal ng tatlong araw.  

At nung August 20, 2021 naman, nagpabakuna uli ako at nagkaroon na naman ako ng SAE. Sumakit uli ang ulo ko makalipas ang dalawang linggo matapos akong mabakunahan ng pangalawang dose ng AstraZeneca COVID vaccine. At lumipas pa ang isang linggo, lumabo na ang aking paningin lalo na sa bandang kaliwa ng aking mata, dahilan kung bakit nagpakonsulta na ako sa ophthalmologist na si Dr. Peter Brian F. Bautista.”

Sinabi ni Arado na ipinaalam umano niya ito agad sa PhilHealth at sa DOH ngunit matagal pa bago nila inasikaso ang kaso nito. At noong nagbigay na ng order ang DOH, nagpakonsulta si Arado sa mga eksperto at sinabi nga nila na epekto nga ng AstraZeneca ang blood clot sa kanyang mata. Sa ngayon, nananawagan is Arado sa PhilHealth at DOH na kung maaari ay bayaran ng mga ito ang nagkaroon ng advese reactions sa bakuna.

Isa namang nagngangalang Aia Cruz ang nagpost din sa social media ng kanyang masamang karanasan matapos mabakunahan ng Moderna booster. Ayon sa dalaga:   

“Matindi ang aking pagkakasakit ngunit wala silang maibigay ng siguradong diagnosis. Sana maintindihan ninyo na hindi ko binabahagi ang nangyari sa akin para I discourage ang sino man na magpabakuna. At sana may tulong ang gibyerno sa mga nagkaroon ng matinding side effects.

Nung kinagabihan matapos ang Moderna booster shot ko ay nilagnat ako at sumakit ng sobra yung sikmura ko. Sa sobrang sakit di ko ramdam yung lagnat. Nag pa consult ako few days later and Gastritis daw. Nag continue yung gastritis, later on umabot sa point na hindi na ako masyado makakain and nilalabas ko lang din kinain ko.

At makalipas ang 20 araw, nagkaroon ako ng Jaundice. Nagpatest din ako para sa Viral Hepatitis A, B, C (B-core), Thyroid, ANA (autoimmune), at nagpa abdominal ultrasound. Negative lahat ng resulta.. Pero yung trend ng liver function ko lumalala at maaari akong magkaroon ng liver failure kung mag tuloy tuloy pa. Dahil over a month na nakalipas, all obvious causes were ruled out and lumalala ako. Kailangan kong magpa admit.”

References:

https://www.manilatimes.net/2022/08/25/news/national/fda-report-bares-2573-jab-related-deaths/1855901

https://www.facebook.com/jhonkevinarado

https://www.facebook.com/aia.cruz

Bangkay ng Isang 67 Taong Gulang na Babae Natagpuang Hubo’t hubad sa Labas ng Kabaong

0

Inilibing nang muli ang bangkay na katawan ng isang 67 taong gulang na babae mula nang matagpuan ito na nasa labas na ng kanyang kabaong, matapos itong ilibing noong Linggo, August 28, 2022. Ang insidenteng ito ay nangyari sa Kabankalan City, Negros Occidental, at hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin ng mga kapulisan kung ano talaga ang buong pangyayari upang matukoy at mabigyan ng nararapat na parusa ang mga salarin.

Natagpuan ang bangkay na katawan ng nasabing senior citizen na babae na nasa labas na ng kabaong noong Lunes ng umaga, August 29, 2022 nang ang pamangkin nito na nagngangalang si Ricky Aguilar ay bumalik sa pinaglibingan kasama ang kanyang mga kamag anak. Hinala ng kapulisan, maaring ito ay pinagtangkaang nakawan o kaya maaari ding ito ay minolestya dahil sa hubo’t hubad na itong natagpuan.   

Ayon kay Lieutenant Colonel Raymond Cruz, police chief ng Kabankalan City Police Station, ang krimen ay maaaring naganap kinagabihan ng Linggo o kaya Lunes ng madaling araw. Dagdag rin niya, maaaring inaakala ng suspek/mga suspek na mayroong mga mamahaling gamit ang isinama sa loob ng kabaong kung kaya ito ay ang maaaring dahilan kung bakit nila sinira ang puntod at kabaong. Ngunit ayon naman sa mga kamag-anak ng babae, wala naman daw silang inilagay na mga mamahaling gamit sa loob ng kabaong na pinaglagyan nito.   

Dagdag pa ng opisyal, nangyari ito dahil sa ang sementeryong pinaglibingan ng nasabing babae ay walang bantay na gwardya at walang bakud. At dahil nga sa nawala ang mga tela at plastic na pinangbalot sa bangkay, naghinala sila Lieutenant Colonel Cruz at ang iba pa niyang mga kasamahan na maaaring ginahasa din ang bangkay ng babae ng mga di pa nakikilalang suspek o mga suspek. Kaya naman, maliban sa pinag iingat ang mga taga roon ay pinapakiusapan din silang maging mapagmasid at ireport ang mga kahina-hinalang mga tao sa kanilang lugar.  

References:

https://ph.news.yahoo.com/newly-buried-body-found-naked-112800726.html

Dalawang Paaralan sa Davao City Nagpapatupad ng “No Vax Card, No Entry” Policy laban sa mga Estudyante at mga Staff

0
A simple black and while sign mandating protective masks on the glass window or door of business, church, restaurant, library, bank or doctor's office.

Noong August 3, 2022 ay nag-isyu ng pahayag ang University of Mindanao (UM) sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ng kanilang OSA (Office of the Student Affairs) may kinalaman sa kanilang polisiya tungkol sa “face to face” class para sa SY 2022-2023. Ayon dito, mahigpit nilang ipapatupad ang “no vaccine, no antigen test, no entry” policy bilang pagsunod sa direktiba ng CHEd (Commission on Higher Education), DOH (Department of Health), at IATF (Inter-agency Task Force). Ang sino mang hindi pa bakunado, ayon sa polisiya ng UM, ay maaari lamang makapasok kapag nagpasa ng negative result ng antigen testing kada linggo.

Ang UM ay isa sa mga unibersidad na may mga pinakamaraming estudyante. At base sa kanilang polisiya, ang mga estudyante ang magbabayad para sa antigen testing na nagkakahalaga ng P350 kada test. Ang mga bagong polisiyang ito ay nakabase daw sa JMC No. 2021-004 (joint memorandum circular) na pinapatupad ng CHEd at ng DoH na nagsasabing tanging mga fully vaccinated na mga estudyante at staff lang ang pwedeng ma enrol o makapasok sa paaralan.

Ayun din sa ulat ng Sunstar Davao, hindi lang ang UM ang nagpapatupad ng ganitong polisiya kundi pati na din ang Holy Cross of Davao College. Basi sa interview ng Sunstar kay Teresa Fabiana na siyang vice president ng paaralan, nabanggit nito na kahit sa pagkuha ng exam, ang mga bakunado at ang mga mayroong negative result ng antigen test lang ang maaaring makakuha nito.

Samantala, ang mga polisiya namang ito ng dalawang unibersidad ng Davao ay direktang tumataliwas sa mga naunang pahayag ni Vice President Sara Duterte na siya ring secretary ng Department of Education (DepEd). Noong July 14 sa isang ambush interview, ito ang pahayag ni Sara Duterte:

“Walang dapat na segregasyon na mangyari, walang diskriminasyon para sa mga hindi bakunadong mag aaral dahil hindi naman mandatory ang vaccination, at wala naman tayong nakikitang problema sa paghahalo-bilo ng mga estudyanteng bakunado at hindi bakunado sa kanilang mga silid-aralan. Kasi sa labas, sa kanilang mga bahay-bahay, sa mga mall, sa simbahan, at sa mga public transportation, magkakasama naman ang mga ito.”

Hindi lang si Sara Duterte ang tanging opisyal na mayroong taliwas na pahayag laban sa pinapatupad na ito ng CHEd at ng DoH. Noong April nitong taon, ito naman ang pahayag ni Sorsogon Governor Francis Joseph G. Escudero:

“May mga report na may mga paaralan na nagre-require sa mga estudyante na magpresenta ng proof of vaccination (vaccine card) bago sila payagang makasali sa in-person schooling. Ito po, sa madaling sabi, ay illegal. Hindi natin maaring pagbawalan ang sinoman sa pagkakaroon ng edukasyon dahil ito ay isang pundamental na karapatang pantao.”  

Noong August 22, 2022 naman, naglabas ng press conference ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pangunguna ni chief attorney Persida Acosta, kasama ang iba pang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya na sila chief Erwin Erfe at Atty. Larry Gadon, kasama na pati sina  Dr. Romeo Quijano ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh) at Capt. Rey Valeros ng Gising Maharlika. Sa press conference na ito, nanawagan sila sa CHEd na bawiin o baguhin ang JMC na ito dahil nilalabag umano nito ang mga karapatang pantao ng mga mag aaral at mga staff ng paaralan sa pamimigitan ng panggigipit sa kanila.

References:

https://www.sunstar.com.ph/article/1937990/davao/local-news/university-implements-no-vax-card-no-negative-antigen-results-no-entry-policy

https://www.facebook.com/1830089220630589/videos/389746119941895/

PAO Nag Apila sa CHEd na Bawiin ang Memorandum na Nagdudulot ng Diskriminasyon sa mga Estudyanteng Hindi pa Bakunado o Hindi Kompleto sa Bakuna

0

Nag apila ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Commission on Higher Education (CHEd) na

bawiin ang memorandum na inilabas nito kasama ang Department of Health (DoH) na nagbabawal sa mga hindi bakunado at mga hindi pa kompleto sa bakuna (partially vaccinated ) at maging ng mga hindi pa nakapagpa-booster na pumasok at mag enrol sa mga unibersidad at kolehiyo.

Kasama sa nag apila kahapon ni Chief Atty. Persida Acosta sa PAO central office ng Quezon City ay sina Forensics Division Director Erwin Erfe and lawyer Lorenzo “Larry” Gadon, at iba pang mga kawani ng nabanggit na ahensya. Ang pagbabawal sa mga gustong mag aral, ayon sa mga nabanggit na petitioner, ay diskriminasyon laban sa libo-libong estudyante at isang malaking paglabag sa batas at paglapastangan sa karapatan ng bawat indibidwal na makapag aral.

Bukod sa lumalabag ito sa karapatan ng bawat Pilipino na makapag aral na ligtas at hindi ginagambala ng sino man, ang memorandum daw umano na ito ng CHEd ay kontra rin sa Republic Act 11525 na siyang legal na basehan para tumanggi, lalo na sa pamimilit o panggigipit dahil nakasaad dito (Section 12) na hindi mandatory ang pagbabakuna at hindi ito maaaring gawing requirement para sa kahit ano mang uri ng transaksyon.

Ayon kay Atty. Acosta, kaya sila kumilos at nag apila sa CHEd ay dahil napakarami umanong mga magulang at mga estudyante mismo na nasa third, fourth, o kaya fifth year ang nagreklamo sa kanilang tanggapan dahil nga sa ayaw silang papasukin o kaya i-enrol sa higher education institutions (HEIs) o mga unibersidad sa kadahilanan na hindi sila bakunado o kaya naman ay di pa sila nakakuha ng booster shots. Kasama na din sa mga nagreklamo, dagdag pa ni PAO Chief Acosta, ay ang mga hindi talaga maaaring tumanggap ng bakuna dahil sa iba’t ibang mga health concerns o kondisyon, kasama na syempre ang mga allergic reactions na malala.

Matatandaan na noong July 6, 2022 ay nagpadala na din ng sulat si PAO chief Atty. Acosta kay President Bongbong Marcos upang ipaalam na mayroong petisyong nakaapila sa Regional Trial Court Branch 222 ng Quezon City ang isang grupo ng mga magulang na humihiling ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction (WPI) may kinalaman sa pagbabakuna sa mga bata, lalo na ang mga nasa edad 5 hanggang 11. Ang petisyon na ito ay

inihain noong February 2022 sa pangunguna ng dalawang magulang na sina Dominic Almelor at Girlie Samonte. 

Ayon naman kay PAO forensic director na si Erwin Erfe, sa ilalim ng RA 11525, maaari ring pagbayarin ang mga staff at opisyal ng CHEd sa mga pinsala na dinudulot nito dahil sa patuloy na pagbabalewala at pag apak nito sa mga karapatan ng mga estudyanteng ayaw magpabakuna, lalo na sa mga talagang nagkaroon ng malubhang epekto (severe adverse effects) o kaya mga namatay dahil sa bakuna para sa COVID.

Samantala, ayon naman kay Atty. Larry Gadon:

“Nananawagan ako sa CHEd na kanilang tanggalin ang kanilang diskriminasyon doon sa kanilang memo na ang mga bakunadong estudyante lang ang pwede sa face to face classes…dapat wala tayong discrimination… ako bilang parent ay hindi sumasang-ayon na ang CHEd ay magkaroon ng ganitong klaseng paghihigpit.” 

Dagdag naman ni Atty. Persida Acosta, nag aantay na lang daw umano sila sa sagot mula sa CHEd at kapag hindi nito binawi ang memorandum, mapipilitan umano sila na magsagawa ng kaukulang legal na hakbang.

Panoorin ang full press conference ng PAO sa link na ito:

https://www.facebook.com/1830089220630589/videos/389746119941895/

https://www.manilatimes.net/2022/08/23/news/national/ched-urged-to-revoke-ban-on-unjabbed-students/1855590

https://www.manilatimes.net/2022/07/09/news/national/marcos-asked-to-stop-jabs-for-kids-ages-5-to-11/1850258

Isang Ina Nanghina at Namatay Matapos Painumin ng Tableta ng Nurse sa Negros; Anak Nananawagan kay Sen. Raffy Tulfo

0

Humihingi ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang nagngangalang Abegail na isang dalaga na nakatira sa Guihulngan City, Negros Oriental, dahil sa pagkamatay ng kanyang ina ilang oras lang matapos daw umano itong painumin ng tableta ng nurse na nag asikaso rito. Ayon sa dalaga, nararapat daw sana na ma-discharged na ang kanyang ina dahil ang dahilan lang naman daw sa pagpunta nito sa ospiital ay ang simpleng pagtatae (diarrhea) at ang kawalan ng gana nitong kumain ngunit sa kasamaang palad, binawian ito ng buhay ilang araw makainom ng nasabing tableta.  

Ayon pa sa salaysay ni Abegail, mabuti na sana ang kondisyon ng kanyang ina at dapat na umano silang lumabas ng ospital dahil masigla naman daw ang kalagayan nito kahit nung hindi pa nagpa-ospital ngunit sa ikatlong araw nito sa ospital, binigyan sila ng reseta ng nurse kaya nagpunta siya ng botika upang kunin ito. Ayon pa sa dalaga:

“Maliit siya na tableta, hindi ko alam kung para saan yun kasi hindi niya (nurse) sinabi. Pagkakuha ko nung gamot mula dun sa botika ng ospital, binigay ko na agad sa nurse kasama ang reseta dahil yun ang sabi niya sa akin. Pagkabigay ko sa kanya, pinunit niya agad ang reseta at tinapon tsaka pinainom niya agad sa nanay ko ang gamot. Makalipas ang ilang minuto, hinihingal na ang nanay ko…

Nakapagsabi din siya sakin na “nak, kung hindi ako uminom nung gamot na yun di sana ako ngayon nahihirapan sa paghinga”. Maya maya lang, may dumating na dalawang nurse upang magkabit ng catheter sa nanay ko. Pinahiga nila ang nanay ko kahit na nakiusap ito na “tama na” dahil nahihirapan na daw siya sa paghinga. Hindi ako nakatiis, binangon ko si mama, hindi na maayos ang kanyang pagsasalita. Makalipas ang ilang oras, mas lumala pa ang kalagayan ni mama kaya kinabitan nila ito ng oxygen tank…

Plano pa sana naming i-refer si mama sa Ace or Provincial kaya lang masyadong matagal ang referral kasi kailangan pa daw ng permiso sa provincial. Lumipas na lang ang ilang oras wala pa rin, umaga pa sana namin siya ililipat, inabot na lang kami ng mahigit alas dose. At nang inatake na naman si mama, pinuntahan ko ang nurse upang humingi ng saklolo ngunit ang sabi nila sakin “wala na kaming magagawa diyan kasi nilagyan na namin siya ng oxygen (tank).”

Makalipas ang ilan pang mga minuto, ayon pa din sa salaysay ni Abegail, namatay na ang kanyang nanay. Saka pa umano ito pinuntahan ng mga nurse kung kalian patay na ang kanyang ina. Kaya naman nakikiusap ang dalaga na sana tulungan umano siya na maipaabot ito kay Sen. Raffy Tulfo.

Samantala, ayon naman sa ilang mga Filipino netizen na nagkomento sa post ni Abegail, nangyari na rin ito sa kanilang mga kamag anak na pasyente. Kaya naman ang ilan sa kanila ang nanawagan din na mag ingat talaga sa pagpapainom ng mga gamot sa kanilang mga pasyente lalo na daw sa panahon ngayon. Kaya siguro, maaring ito ay ang tinatawag na Iatrogenesis na nangyayari sa bansa. Maaring ito ay isang malawakang pangyayari sa Pilipinas ngayon na hindi pa napag alaman o napag aralan. Dahil sa  halimbawa, may isang babae na nagkomento may kinalaman sa post ni Abegail:

“Ganyan din ang nangyari sa tiyuhin ko. Pinainom siya ng gamot na para daw sa COVID. Tabletas din. Nung matapos niya itong inumin, nahirapan na siya sa paghinga at namatay. Kaya sa susunod, kailangan mag ingat na talaga tayo…”

May isa ring nagkomento na nagngangalang Esterlina. Ayon sa kanya:

“Mayron din akong kakilala na ganun din ang sitwasyon kagaya ng sa nanay mo. Mabuti pa sana ang kalagayan pero nung dalhin sa ospital at matapos na injekan ay nahirapan na sa paghinga at di na makapagsalita ng maayos. Tapos ayaw din nilang tulungan kasi may COVID daw, pero nung dumating ang resulta, hindi naman COVID. Sana maaksyonan ito ni Raffy Tulfo para maturuan ng leksyon ang nurse na walang awa sa mga mahihrap.”     

Samantala, sabi naman ng isa ring nagngangalang Abigail:

“Nakaranas din ako nito. Nagbigay ng reseta ang nurse para sa pamang”kin ko nan a-admit. Tapos tinignan talaga naming ng maigi ang reseta kung kanina nakapangalan kaya lang hindi ko mabasa. Kaya nagreklamo ako nagbigay at kinuha niya ito uli tapos tinapon. Hindi na talaga siya nagbigay ng reseta uli kasi may mga pasyente dun na malakas pa pagpasok ngunit paglabas nila mga bangkay na sila. Kaya dapat magtanong talaga kung para saan ang gamot tapos kuhanan ng larawan.”

At ang panghuli ay ang komento naman ng nagngangalang Shirly:

“Totoo talaga ito. Nakaka-relate ako sa sitwasyon na ito. Nung dinala ko ang partner ko sa ospital, malakas pa talaga siya ngunit nung may nilagay na gamot sa kanyang oxygen nahirapan na siya sa paghinga hanggang sa namatay.” 

Basahin ang buong post ni Abegail at ang mga komento dito:

https://www.facebook.com/abegail.devilla.5205

DOH Tinatago ang mga Katotohanan Tungkol sa Adverse Effects ng Bakuna, ayon kina Dr. Erwin Erfe at Dr. Romeo Quijano sa Korte

0

Inililihim daw umano ng Department of Health (DOH) ang mga katotohanan tungkol sa mga adverse effects ng COVID vaccine, lalo na sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 taong gulang. Ito ay ayon sa sinumpaang salaysay ni Dr. Erwin Erfe, isang abogado at Forensics Division director ng PAO na aktibo ring tumutulong sa mga biktima ng Dengvaxia, at ni Dr. Romeo Quijano, isang Pharmacologist-toxicologist at membro ng grupo ng mga health professionals at lawyers na Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh), sa Quezon City court noong Martes August 2, 2022.

Isinalaysay ni Dr. Erwin Erfe kay Judge Maria Cherell de Castro-Sansaet ng QC RTC Branch 222 na ang DOH umano ay tinatago ang mga kritikal ng impormasyon tungkol sa tunay na epekto ng bakuna para sa COVID. Ang isang halimbawa na kanyang ibinigay ang ang article mula sa ahensya na inilabas noong Feb. 6, 2022 sa DOH Cordillera Center for Health Development. At base dito, sinabi ni Dr. Erfe na maaaring sadyang iniba ng DOH ang interpretasyon ng mga datos at pahayag mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) upang maliitin ang tunay na epekto ng bakuna at dayain ang publiko.

“Hindi po kayang intindihin ng mga bata ang mga potential na pangananib, ito po ay kinikilala ng ating batas sa ilalim ng Republic Act 11525  at ng CDC at ng Philippine FDA”, ayon pa kay Dr. Erfe. “Sa usapin ngayon, ang ating mga kabataan ay nangangailangan ng totoong ligtas at epektibong lunas upang ang kanilang kalusugan ay talagang mapo protektahan, at upang ma garantisa ang kalusugan at kaligtasan ng henerasyon ng ating hinaharap..”, dagdag pa ni Dr. Erfe.

Sinabi din ni PAO forensics chief Dr. Erfe na obligado umano ang DOH na ipaalam sa publiko ang buong katotohanan sa mga datos ng siyensya may kinalaman sa bakuna, lalo na sa mga posibleng maging adverse effects nito, gaano man ka-simple o ka-lala at hindi daw umano nilalabas ng mga health officials ang mga ulat ng mga adverse events mula halimbawa sa VAERS (vaccine adverse events reporting system) ng CDC. Ito at ang iba pang mga karapatan ng pasyente ay nararapat na maipaalam ng wasto kasama na ang kahit ano mang mga maaaring idulot nito sa katawan natin at maging ng ibang mga pwedeng alternatibo.

Nakasaad din sa RA 11525 na hindi maaaring hanapan ng “proof of vaccination” card ang sino man sa mga transaksyon, sa pribado man o sa pang gobyerno. Kaya responsibilidad ng gobyerno na irespeto ang batas na ito upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga mamamayan sa usaping kalusugan dahil ito ay kasama sa mga karapatan bilang tao. At higit sa lahat, dagdag pa ng doktor, karapatan ng mga magulang na malaman mula sa gubyerno ang lahat ng katotohanan upang sila ay makapag desisyon ng wasto para sa kanilang mga anak. Ang lahat ng mga aspetong ito, ayon sa salaysay ni Dr. Erfe, ay hindi pinapahalagahan ng DOH.  

Ilan sa mga nasabing mga matinding masasamang epekto na nakita sa VAERS, ayon naman sa mga salaysay ni Dr, Romeo Quijano, ay ang “convulsion at balance disorder, paralysis at severe pain (headache, body pain, joint pain), respiratory depression, chest discomfort at dysphagia, confusion, hallucination, sleep disorder, blurred vision, diplopia, eye pain, tinnitus, vertigo” at higit sa lahat ang napaka-kontrobersyal na mga adverse effects gaya ng “anaphylaxis (severe allergic reaction); myocarditis at pericarditis (inflammation sa puso); blood clotting at ipa pang blood disorders gaya ng thrombosis-thrombocytopenia syndrome pati na din ang capillary leak syndrome, guillain-barre syndrome, at Bell’s palsy.

Bukod sa lumalabas na pinagtatakpan o sadyang binabalewala ng DOH ang mga nakababahalang mga impormasyong ito, hindi rin nila pinapaalam ng maayos sa publiko na nasa emergency use authorization (EUA) pa lang ang mga bakunang ito at wala pa talaga itong certificate of product registration (CPR) mula sa FDA. Ito at marami pang dahilan kung bakit nananawagan ang mga ekspertong ito sa publiko noon pa man na dapat alamin ng wasto ang lahat tungkol sa bakuna.

References:

https://www.manilatimes.net/2022/08/03/news/national/doh-hides-truth-on-covid-vaccines/1853204/amp

https://www.facebook.com/Concerned-DX-and-CX-of-Philippines-107617331530041

Featured image: https://pilipinomirror.com/ika-165-na-paslit-nasawi-sa-dengvaxia-pao/

DOH Nanawagan sa mga Pilipino na Magdonate ng Dugo habang ang mga Eksperto sa Israel ay nagbabala tungkol sa Blood Clot  

0
donating blood for transfusions : Blood donation and blood donor, hemolytic transfusion bank concept.

Nanawagan ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga mamamayang Pilipino na magdonate ng dugo. Mas pinadoble pa nila ang kanilang panghihikayat sa publiko kung kaya sinasabi ng ibang mga tao na maaaring ito ay marahil sa nagkukulang na o kaya malapit nang magkulang ang suplay ng dugo sa bansa. Ayon sa pahayag ni DOH official Maria Rosario Vergeire:

“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan, doon sa ating mga volunteer blood donors, kung maaari po makapagbigay tayo para ma-sustena natin ang ating supply ng dugo sa ating bansa.”

Ayon pa din kay Vergeire, apektado daw umano ng husto ng COVID ang suplay ng dugo sa bansa kung kaya naman ang DOH ay humingi na rin ng tulong sa kanilang mga “regular donors” kagaya ng mga military personnel na nasa Philippine National Police (PNP) and Bureau of Fire Protection (BFP).

Samantala, nagdulot naman ito ng pagkabahala sa ibang mga Pilipino netizens. Ayon sa mga komento at posts sa social media, ito marahil ay hindi mabuti ang mga dugo ng mga bakunado kung kaya maaaring marami ang hindi pwedeng makatanggap nito, lalo na sa mga hindi pa bakunado at ang mga may co-morbidities. Isang halimbawa na sinasabi ng mga netizen tungkol dito ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng blood clot o thrombotic thrombocytopenic purpura (TTP) ng mga sasalinan. Ang TTP ay isang autoimmune disease na nagdudulot ng pamumuo ng dugo sa iba’t ibang organ ng katawan, dahilan kung saan nalilimitahan o napipigilan ang pagdaloy ng oxygen patungo sa mga importanteng parte ng katawan gaya ng utak, puso, kidney, etc. Ang mga insidenteng ganito ay naitala sa mga report ng iba’t ibang COVID vaccine brands gaya ng Pfizer, J&J, at AstraZeneca.

Kaya naman sa bansang Israel, inalerto ng mga eksperto at researcher ang Institute of Hematology ng Shamir Medical Center at ang gobyerno dahil sa kanilang nakitang biglaang pagtaas in bilang ng kaso ng TTP na umaabot sa 4 na kaso kada isang buwan kumpara noon na nasa 2 hanggang 3 kaso lang kada taon. Sinabi ng mga eksperto nagbunyag na mayroon silang nakitang “chronological connection” sa pagitan ng pagbakuna at paglabas ng mga sintomas. Dagdag pa dito, nagbigay din ng babala ang medical team na pinangungunahan ni Dr. Maya Koren-Michowitz, na head ng Hematology at ng Translational Hemato-Oncology Laboratory, na kinakailangan ng special na permiso mula sa doktor ang mga taong nagkaroon na ng TTP. Kasama sa mga nabanggit na sintomas ay ang “panghihina, matinding pagkapagod, neurological disorders, haemorrhage, at chest pain”.

Noong nakaraang Mayo nitong taon, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) ng United States at ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na iwasan ang pag gamit ng Janssen o Johnson & Johnson vaccine dahil din sa blood clot na side effects nito na mga naidulot sa mga nakatanggap. At noong Marso 2021 naman, nag utos na din ang health authorities ng Denmark na itigil ang pag roll out ng Vaxzevria, ang bakuna na gawa ng AstraZeneca, dahil din sa mga problemang may kinalaman sa blood clot.

References:

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/840813/vergeire-asks-for-blood-donations-to-sustain-country-s-supply/story/

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/834968/doctors-encourage-unpaid-voluntary-blood-donations-for-national-blood-donors-week-2022/story/

https://www.jpost.com/health-science/pfizer-covid-19-vaccine-linked-to-rare-blood-disease-israeli-study-671694

https://www.latimes.com/science/story/2022-05-05/fda-restricts-johnson-covid-19-vaccine-due-to-blood-clot-risk

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8270740/

Medical Cannabis Party Nanawagan kay Sen. Robin Padilla may Kinalaman sa Senate Bill No. 230

0
Medical marijuana buds in large prescription bottle with branded cap on black background

Inihain ni Sen. Robin Padilla sa senado ang batas na magpapahintulot sa pag gamit ng halamang marijuana bilang gamot o lunas para sa ibat ibang seyosong karamdaman (debilitating medical conditions). Ang bill na inihain ni Sen. Padilla ay ang Senate Bill No. 230 o ang “Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines”.  

Ang batas na ito ay magiging gabay para sa pag bili, pag gamit, pagtatanim, pagbebenta, pagpo-proseso, pagbyahe, at pag aari ng nasabing. Sa ilalim ng batas na ito at sa pagmomonitor ng Dangerous Drugs Board at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang Department of Health (DOH) ay magtatalaga ng mga tinatawag na Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) sa mga ospital bilang mga otorisadong tagahawak at tagabenta o taga-supply ng medical marijuana.

Ayon sa nasabing senate bill, kabilang sa mga tinatawag na debilitating medical conditions ay ang mga sakit gaya ng cancer, glaucoma, multiple sclerosis, damage sa nervous system ng spinal cord, epilepsy, rheumatoid arthritis, severe nausea, sleep disorders/insomnia and sleep apnea, mood disorders, severe anxiety, panic attacks, bipolar disorder, depression, post-traumatic stress disorder, social anxiety disorder, at migraine.

Samantala, nanawagan naman ang grupong Medical Cannabis Party (MedCann Party) tungkol umano sa mga “nakababahalang” nilalaman ng batas na ito na inihain ni Sen. Padilla. Ayon sa isang membro nito na isa ring human rights lawyer at drug policy reformer na si Atty. Henrie Enaje, ang batas na ito daw umano ay magiging hadlang din para sa pagkakaroon ng “advance scientific knowledge” tungkol sa mga benepisyo ng medical cannabis dahil daw umano sa mga kaparusahan na maaring magdudulot ng takot sa mga eksperto at mga propesyonal na pag aralan ang nasabing halaman.

Sa halip na alisin ng tuluyan ang mga balakid, ayon kay Atty. Enaje, ang nasabing batas ay mas lalo umanong magdudulot ng problema dahil maaari pa ring makulong ang mga medical professionals at mga pasyente sa ilalim nito at ng batas na RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Nakakatakot umano, dagdag pa ng human rights lawyer, dahil maaaring makulong ng 24 na taon at magmulta ng hanggang P10 milyon ang mga mahuhuli.

Ayon pa kay Atty. Henrie Enaje:

“Umaasa kami na ang mabuting senador (Robin Padilla) ay magiging bukas at handang makipag usap sa lahat ng mga stakeholders, eksperto, mga magulang, mga pasyente, at mga advocates upang makatulong sa senado sa pagpinalisa ng batas na totoong magbibigay halaga sa mga usaping nakapalibot sa cannabis at mga drug policy ng gobyerno. Magiging masaya po kaming pag usapan ito kasama si Sen. Robin Padilla sa ano mang oras.”

Ayon sa nakasaad sa SB No. 230, ang kaparusahan sa mga “lumalabag” ay ang mga sumusunod:

“12 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa halagang P10 milyon para sa mga pasyenteng mag aabuso nito o kaya ang magbigay o ang magbenta nito sa iba.

12 taong pagkabilanggo para sa mga opisyal o kaya mga trabahante ng MCCC na mapatunayang lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical cannabis ng walang pahitulot (written certifications) mula sa mga doktor o kaya naman walang registry ID cards na magsasabi kung ang isang pasyente ay kwalipikado.

12 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga mahuhuling gumagamit ng pekeng ID cards para makakuha ng medical cannabis.

20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga doktor na mahuhuling nagbibigay ng sertipikasyon o rekomendasyon sa mga pasyenteng hindi kwalipikado na makakuha ng medical cannabis o kaya naman para sa sarili o mga kamag anaik

20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga opisyales o manggagawa ng MCCC na magbibigay ng medical cannabis sa mga pasyenteng hindi kwalipikado

At 20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa halagang P10 milyon para sa mga hindi kwalipikadong pasyente na bibili medical cannabis”

References:

https://newsinfo.inquirer.net/1632469/padilla-pushes-for-legalization-of-medical-marijuana-use

https://www.facebook.com/MedCannPartylist

https://www.facebook.com/sensible.ph

Eagle.ph Team

1116 POSTS0 COMMENTS
136 POSTS0 COMMENTS
52 POSTS0 COMMENTS
51 POSTS0 COMMENTS
1 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS
0 POSTS0 COMMENTS