
Ayon kay Dr. Shirley Domingo, Group Vice President ng PhilHealth Corporation, sa isang interview na mayroong Php 500 million na pondo ang ahensya na nakalaan para sa pagpapa-ospital o kaya pagpapalibing ng mga magkakaroon/nagkaroon ng masamang epekto mula sa bakuna para COVID. Ang siguradong makaka benepisyo umano nito, ayon pa din kay Dr. Domingo, ay ang mga makakaranas o dumaranas ng serious adverse effects na nangangailangan ng hospitalisasyon, kasama na pati ang permanenteng pagkabalda at pagkamatay.
Ang maaaring tumanggap umano nito, ayon sa doktor, ay ang mga primary dependent o ang asawa o kaya mga anak. Kung wala umanong asawa o anak, ang tatanggap ay ang secondary beneficiary o ang magulang ng pasyente. Sabi pa din ni Dr. Shirley Domingo, kailangan umanong malinaw na mapatunayan na dulot talaga ng bakuna ang injury o kaya ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng “casualty assessment”.
Ayon sa PhilHealth Circular 2021-0007, ang basehan ng mga sinasabi ni Dr. Domingo, mayroong tinatayang aabot sa Php 100,000 kada beneficiary kung sakaling magkakaroon ng permanent disability o kaya naman ay kamatayan dulot ng adverse effects ng bakuna. Hanggat ang bakuna umano na ginamit ay may pahintulot mula sa gobyerno ng bansa o sa ilalim ng Philippine COVID-19 Vaccination Program, makakatanggap pa din umano ang mga biktima kahit na ang kanilang bakuna ay binili mula sa private sector.
Kasama umano sa mga pwedeng mabigyan ng compensation ay ang mga nag pile/magpa pile mula March 3, 2021 hanngang March 2, 2026 o hanggang sa matapos ang vaccination program ng bansa. Upang matiyak na nagpabakuna talaga ang isang nagki claim, kinakailangang mayroon silang vaccination card at iba pang mga dokumentong legal na magpapatunay. Higit sa lahat, ayon pa din sa circular ng PhilHealth, kinakailangang hindi pa aprobado ang Certificate of Product Registration (CPR) ng bakunang ginamit.
Sa iba namang circular ng PhilHealth, dati nang naglabas ang ahensya ng mga kasong maaring sagutin ng Php 100,000 compensation para sa adverse effects mula sa bakuna. Ang mga ito ay anaphylaxis, thrombocytopenia, generalized convulsion, acute disseminated, encephalomyelitis, Guillain Barré Syndrome, acute respiratory distress syndrome, multisystem inflammatory syndrome (children & adults), acute cardiovascular injury (kasama na ang myocarditis/pericarditis, microangiopathy, heart failure, stress cardiomyopathy, at coronary artery disease arrhythmia.
Dagdag pa sa mga maaaring problemang susulpot matapos magpabakuna, ayon sa nakasulat sa PhilHealth circular, ay ang coagulation disorder (kasama ang: thrombotic disorders, bleeding disorders), anosmia, ageusia, chilblain, errythema multiforme, Single Organ Cutaneous Vasculitis, acute kidney injury, acute liver injury, acute pancreatitis, rhabdomyolysis, subacute thyroiditis, acute aseptic arthritis, aseptic meningitis, encephalitis / encephalomyelitis, at Idiopathic Peripheral Facial Nerve Palsy.
Ayon pa din kay Dr. Domingo, kanila rin daw umanong paiimbistigahan ang mga naireport na mga pandarayang nangyayari sa mga ospital ngayon. Ito ay ang tinatawag na “updating” o ang pagdeklara sa death certificate na COVID ang ikinamatay ng isang pasyente kahit na hindi naman. Ang mga balitang ganito ay bihira lang lumalabas sa mga news pero madalas mong marinig sa kalye o mga tao mismo, mula pa noong nagsimula ang COVID scam. Karamihan sa mga doktor, ayon umano sa mga nagrereklamong taong bayan, ay kasabwat ng mga health officials ng gobyerno sa pag gawa ng mga illegal na gawain upang makakuha ng pera mula sa PhilHealth. Kaya naman malinaw na sinabi ni Dr. Domingo na ito ay nararapat na paimbistigahan upang masampahan ng kaukulang kaso ang sino mang mapatunayang nagkasala.
References:
https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/circ2021-0007.pdf
https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/007/AnnexB_ListOfConditions.pdf
https://www.philhealth.gov.ph/news/2021/vaccine_compensation.pdf
https://www.facebook.com/gmapublicaffairs/videos/541122190250957
Featured image: https://www.manilatimes.net/2022/02/23/news/national/philhealth-very-liquid/1833936