
Inihain ni Sen. Robin Padilla sa senado ang batas na magpapahintulot sa pag gamit ng halamang marijuana bilang gamot o lunas para sa ibat ibang seyosong karamdaman (debilitating medical conditions). Ang bill na inihain ni Sen. Padilla ay ang Senate Bill No. 230 o ang “Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines”.
Ang batas na ito ay magiging gabay para sa pag bili, pag gamit, pagtatanim, pagbebenta, pagpo-proseso, pagbyahe, at pag aari ng nasabing. Sa ilalim ng batas na ito at sa pagmomonitor ng Dangerous Drugs Board at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang Department of Health (DOH) ay magtatalaga ng mga tinatawag na Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) sa mga ospital bilang mga otorisadong tagahawak at tagabenta o taga-supply ng medical marijuana.
Ayon sa nasabing senate bill, kabilang sa mga tinatawag na debilitating medical conditions ay ang mga sakit gaya ng cancer, glaucoma, multiple sclerosis, damage sa nervous system ng spinal cord, epilepsy, rheumatoid arthritis, severe nausea, sleep disorders/insomnia and sleep apnea, mood disorders, severe anxiety, panic attacks, bipolar disorder, depression, post-traumatic stress disorder, social anxiety disorder, at migraine.
Samantala, nanawagan naman ang grupong Medical Cannabis Party (MedCann Party) tungkol umano sa mga “nakababahalang” nilalaman ng batas na ito na inihain ni Sen. Padilla. Ayon sa isang membro nito na isa ring human rights lawyer at drug policy reformer na si Atty. Henrie Enaje, ang batas na ito daw umano ay magiging hadlang din para sa pagkakaroon ng “advance scientific knowledge” tungkol sa mga benepisyo ng medical cannabis dahil daw umano sa mga kaparusahan na maaring magdudulot ng takot sa mga eksperto at mga propesyonal na pag aralan ang nasabing halaman.
Sa halip na alisin ng tuluyan ang mga balakid, ayon kay Atty. Enaje, ang nasabing batas ay mas lalo umanong magdudulot ng problema dahil maaari pa ring makulong ang mga medical professionals at mga pasyente sa ilalim nito at ng batas na RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Nakakatakot umano, dagdag pa ng human rights lawyer, dahil maaaring makulong ng 24 na taon at magmulta ng hanggang P10 milyon ang mga mahuhuli.
Ayon pa kay Atty. Henrie Enaje:
“Umaasa kami na ang mabuting senador (Robin Padilla) ay magiging bukas at handang makipag usap sa lahat ng mga stakeholders, eksperto, mga magulang, mga pasyente, at mga advocates upang makatulong sa senado sa pagpinalisa ng batas na totoong magbibigay halaga sa mga usaping nakapalibot sa cannabis at mga drug policy ng gobyerno. Magiging masaya po kaming pag usapan ito kasama si Sen. Robin Padilla sa ano mang oras.”
Ayon sa nakasaad sa SB No. 230, ang kaparusahan sa mga “lumalabag” ay ang mga sumusunod:
“12 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa halagang P10 milyon para sa mga pasyenteng mag aabuso nito o kaya ang magbigay o ang magbenta nito sa iba.
12 taong pagkabilanggo para sa mga opisyal o kaya mga trabahante ng MCCC na mapatunayang lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical cannabis ng walang pahitulot (written certifications) mula sa mga doktor o kaya naman walang registry ID cards na magsasabi kung ang isang pasyente ay kwalipikado.
12 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga mahuhuling gumagamit ng pekeng ID cards para makakuha ng medical cannabis.
20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga doktor na mahuhuling nagbibigay ng sertipikasyon o rekomendasyon sa mga pasyenteng hindi kwalipikado na makakuha ng medical cannabis o kaya naman para sa sarili o mga kamag anaik
20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa P10 milyon para sa mga opisyales o manggagawa ng MCCC na magbibigay ng medical cannabis sa mga pasyenteng hindi kwalipikado
At 20 taong pagkabilanggo at multa na aabot sa halagang P10 milyon para sa mga hindi kwalipikadong pasyente na bibili medical cannabis”
References:
https://newsinfo.inquirer.net/1632469/padilla-pushes-for-legalization-of-medical-marijuana-use