
BIglaang inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) noong Lunes, August 29, 2022 na maaari na umanong makapasok ang mga estudyante at mga staff ng paaralan kahit sila ay hindi bakunado o kaya hindi pa nagpa booster. Sa isang virtual conference, inanunsyo ni CHED chairperson J. Prospero de Vera III ang pagbabago sa polisiya na nagpapahintulot sa mga hindi bakunadong mga estudyante at mga teaching at non-teaching staff na makapasok sa paaralan.
Ayon pa kay chairperson de Vera III:
“Pinapayagan na namin ang mga bakunado at mga hindi pa bakunado kasama ang mga faculty members at mga employees na pumasok sa face to face classes o bumalik na sa kanilang mga trabaho. Ito ang bagong polisiya sa ngayon.
Binago namin ang polisiya dahil mataas naman ang bilang ng vaccination sa higher education institutions (HEIs) at mababa na rin sa ngayon ang bilang ng at-risk individuals kung kaya madali na itong kontrolin sa parte ng HEIs, tulad din ng sa ibang bansa. Natoto rin tayo kagaya ng mga nasa ibang bansa at atin naman itong inaaplay dito at of course, sa nakikita ng ating mga eksperto, mababa na talaga ang bilang ng mga at-risk individuals.”
Noong nakaraang Lunes, August 22, 2022, nag apila naman sina PAO (public attorney’s office) chief Atty. Persida Acosta sa CHED na dapat umano ay sundin nito ang polisiya ng Department of Education (DepEd) na payagang makapasok ang mga hindi pa bakunadong mga estudyante at mga employee ng mga paaralan. Ito umano ay dahil sa hindi naman mandatory ang pagbabakuna at karapatan ng bawat estudyante na tumanggi sa isang medical procedure kapag ayaw nito isugal ang kalusugan, lalo na sa isang eksperimental na bakuna.
Dinagdag din ni PAO chief Acosta sa pahayag sa apila na “kinikailangan sundin at i-adapt ng CHED ang mga patakaran ng DepEd”, lalo na at ito ang polisiyang inanunsyo ni Vice-President and Education Department Secretary Sara Z. Duterte ilang linggo lang ang nakalipas.
Matatandaan naman na noong August 3, 2022, sinabi ni PAO chief of the Forensics Division na si Dr. Erwin Erfe sa harap ni Judge Maria Cherell de Castro-Sansaet ng Quezon City Regional Trial Court’s Branch 222 na tinatago umano ng DOH ang mga katotohanan tungkol sa adverse effects ng COVID vaccine, lalo na sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang. At ayon pa kay Dr. Erfe, bukod sa tinatago ng DOH ang mga datos tungkol dito, pinapasinungalingan din daw umano ng ahensya ang mga report tungkol sa adverse effects ng bakuna,
References:
https://www.pna.gov.ph/articles/1182440
https://www.manilatimes.net/2022/08/03/news/national/doh-hides-truth-on-covid-vaccines/1853204