Home Uncategorized DOH Tinatago ang mga Katotohanan Tungkol sa Adverse Effects ng Bakuna, ayon...

DOH Tinatago ang mga Katotohanan Tungkol sa Adverse Effects ng Bakuna, ayon kina Dr. Erwin Erfe at Dr. Romeo Quijano sa Korte

189
0
SHARE

Inililihim daw umano ng Department of Health (DOH) ang mga katotohanan tungkol sa mga adverse effects ng COVID vaccine, lalo na sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 taong gulang. Ito ay ayon sa sinumpaang salaysay ni Dr. Erwin Erfe, isang abogado at Forensics Division director ng PAO na aktibo ring tumutulong sa mga biktima ng Dengvaxia, at ni Dr. Romeo Quijano, isang Pharmacologist-toxicologist at membro ng grupo ng mga health professionals at lawyers na Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh), sa Quezon City court noong Martes August 2, 2022.

Isinalaysay ni Dr. Erwin Erfe kay Judge Maria Cherell de Castro-Sansaet ng QC RTC Branch 222 na ang DOH umano ay tinatago ang mga kritikal ng impormasyon tungkol sa tunay na epekto ng bakuna para sa COVID. Ang isang halimbawa na kanyang ibinigay ang ang article mula sa ahensya na inilabas noong Feb. 6, 2022 sa DOH Cordillera Center for Health Development. At base dito, sinabi ni Dr. Erfe na maaaring sadyang iniba ng DOH ang interpretasyon ng mga datos at pahayag mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) upang maliitin ang tunay na epekto ng bakuna at dayain ang publiko.

“Hindi po kayang intindihin ng mga bata ang mga potential na pangananib, ito po ay kinikilala ng ating batas sa ilalim ng Republic Act 11525  at ng CDC at ng Philippine FDA”, ayon pa kay Dr. Erfe. “Sa usapin ngayon, ang ating mga kabataan ay nangangailangan ng totoong ligtas at epektibong lunas upang ang kanilang kalusugan ay talagang mapo protektahan, at upang ma garantisa ang kalusugan at kaligtasan ng henerasyon ng ating hinaharap..”, dagdag pa ni Dr. Erfe.

Sinabi din ni PAO forensics chief Dr. Erfe na obligado umano ang DOH na ipaalam sa publiko ang buong katotohanan sa mga datos ng siyensya may kinalaman sa bakuna, lalo na sa mga posibleng maging adverse effects nito, gaano man ka-simple o ka-lala at hindi daw umano nilalabas ng mga health officials ang mga ulat ng mga adverse events mula halimbawa sa VAERS (vaccine adverse events reporting system) ng CDC. Ito at ang iba pang mga karapatan ng pasyente ay nararapat na maipaalam ng wasto kasama na ang kahit ano mang mga maaaring idulot nito sa katawan natin at maging ng ibang mga pwedeng alternatibo.

Nakasaad din sa RA 11525 na hindi maaaring hanapan ng “proof of vaccination” card ang sino man sa mga transaksyon, sa pribado man o sa pang gobyerno. Kaya responsibilidad ng gobyerno na irespeto ang batas na ito upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga mamamayan sa usaping kalusugan dahil ito ay kasama sa mga karapatan bilang tao. At higit sa lahat, dagdag pa ng doktor, karapatan ng mga magulang na malaman mula sa gubyerno ang lahat ng katotohanan upang sila ay makapag desisyon ng wasto para sa kanilang mga anak. Ang lahat ng mga aspetong ito, ayon sa salaysay ni Dr. Erfe, ay hindi pinapahalagahan ng DOH.  

Ilan sa mga nasabing mga matinding masasamang epekto na nakita sa VAERS, ayon naman sa mga salaysay ni Dr, Romeo Quijano, ay ang “convulsion at balance disorder, paralysis at severe pain (headache, body pain, joint pain), respiratory depression, chest discomfort at dysphagia, confusion, hallucination, sleep disorder, blurred vision, diplopia, eye pain, tinnitus, vertigo” at higit sa lahat ang napaka-kontrobersyal na mga adverse effects gaya ng “anaphylaxis (severe allergic reaction); myocarditis at pericarditis (inflammation sa puso); blood clotting at ipa pang blood disorders gaya ng thrombosis-thrombocytopenia syndrome pati na din ang capillary leak syndrome, guillain-barre syndrome, at Bell’s palsy.

Bukod sa lumalabas na pinagtatakpan o sadyang binabalewala ng DOH ang mga nakababahalang mga impormasyong ito, hindi rin nila pinapaalam ng maayos sa publiko na nasa emergency use authorization (EUA) pa lang ang mga bakunang ito at wala pa talaga itong certificate of product registration (CPR) mula sa FDA. Ito at marami pang dahilan kung bakit nananawagan ang mga ekspertong ito sa publiko noon pa man na dapat alamin ng wasto ang lahat tungkol sa bakuna.

References:

https://www.manilatimes.net/2022/08/03/news/national/doh-hides-truth-on-covid-vaccines/1853204/amp

https://www.facebook.com/Concerned-DX-and-CX-of-Philippines-107617331530041

Featured image: https://pilipinomirror.com/ika-165-na-paslit-nasawi-sa-dengvaxia-pao/