Home Uncategorized Worship Music, Ginagamit na Pang-hipnotismo ng mga Simbahan?

Worship Music, Ginagamit na Pang-hipnotismo ng mga Simbahan?

34
0
SHARE
Silhouette of girl with raised hands on music concert.

Isa umanong napakalaking kamalian ang isiping may supernatural na presensya, lalo na ng isang “napakamakapangyarihan” na nilalang gaya ng sinasabing diyos, ang mga pagtitipon o kongregasyon sa sumbahan. Kinumpara ng isang ekserto sa musical directing ang phenomenon na ito sa hipnotismo kung saan ang target ay tuluyang nadodomina ng emosyon. Kasama din daw umano sa mga factor dito ang guilt na ng nararamdaman ng target; ito marahil ay dahil sa talagang may malaking pagsisisi o kaya naman ay nakatanim na sa kanyang subconscious ang pananaw na “siya ay napaka walang kwenta at makasalanang nilalang”.

Ipinaliwanag ng musical director ang pormula na kanilang ginagamit noong membro pa siya ng isang napakalaking Christian church sa US. Bukod sa pag gamit ng group setting at guilt tripping, napakahalaga din daw umano ng papel ng mga emosyonal na mga musika o kanta. Ang sistema daw umano ng target dito ay (lalo na kung ang mga liriko at tunog nito ay napakalungkot), magkakaroon ng matinding reaksyon dulot ng musikang sinadyang gamitin sa pagkakataong iyon. Ito daw ang dahilan kung bakit napaka-sistematiko at kalkulado ng bawat hakbang ng mga musikero sa mga musical session ng Christian churches.

Simple lang naman ang padron o pormula ng worship music, ayon sa musical director. Ito daw ay paulit ulit ang mga liriko, at madalas madaling sabayan ang melody at mga salita. Ang mga ito ay sadya daw ginawa upang madaling makakuha ng atensyon lalo na sa mga espisipikong target. Kapag dinama mo ang mga liriko nito, palinawanag pa niya, ikaw ay tila pumasok sa isang pintuan ng ibang daymensyon; ang daymensyon na kung saan emosyon ang madalas nagdodomina. 

Sa katangian pa lang ng isang seryosong musika, napaka sensational at hypnotic na nito kung kaya ang ibig sabihin nito ay talagang napakabisa ng sistematikong scheme na ito ng mga simbahan. Direktang inamin ng musical director na sinasadya nilang i-manipula ang emosyon ng mga maninimba sa pamamagitan ng kanilang mga tugtog na kanta; ito umano ang trabaho niya noon. Ganito rin daw ang ginagawa nila sa bawat programa, lalo na sa tuwing oras na ng pagdadasal ng kanilang pastor. Kinakailangan umanong sabayan ito ng napaka emosyonal na musika upang mas maging epektibo, lalo na sa mga bulnerable at kasalukuyang dumaranas ng mga problema at naghahanap ng “hustisya at kasagutan”.

Subalit kahit pa ganito, napansin umano niya na hindi naman talaga ito nangyayari sa lahat ng oras, lalo na nung nagturo siya sa mga estudyanteng nasa 11 hanggang 18 taong gulang. Napansin niya na sa labas ng klase, hindi naman ganun ang reaksyon ng mga estudyante tuwing naririnig nila ang kanta. Nagiging dramatic lang daw umano ang kilos ng mga bata kapag sila ay nasa aktwal na session at kinakailangang sumabay sa pagkanta. Dito niya unang natanong ang sarili kung bakit tila “hindi presensya iyon ng holy spirit o god” ang kanyang nakikita at ito rin daw ang simula sa kanyang pagkagising mula sa panaginip ng relihiyon.

Ipinaliwanag ng MD na mau-obserbahan din ito sa mga palabas o film. Halimbawa, kapag ang horror film daw umano ay walang background music, hindi naman daw ito nakaktakot. Kung kaya kapag ang isang tao ay may emosyonal na pinagdadaanan, halimbawa, madali din siyang madala ng taktikang ganito. Subalit ang taktika umanong ito ng mga simbahan o relihiyon, ayon pa sa MD, ay hindi naman daw epektibo sa mga taong masaya at wala namang dinaranas na problema. Nagiging mabisa lang umano ang taktika na ito kapag ang mga taong nakikinig ay hindi pa o kaya kulang pa ang kaalaman o kaya reyalisasyon sa kanyang kapasidad at mga kayang gawin na walang literal na impyerno o langit na maaaring maging kahantungan; ang uri ng mga tao na nasa kahon pa ng takot at pagsisisi dulot ng kanilang inaakalang mortal na kasalanan.

“Kapag napapalibutan ka ng mga taong may magkakahalintulad na isip o kaya adhikain, napakahirap magkaroon ng sariling kapasyahan”, ayon pa sa MD na nagsiwalat ng ganitong manipulasyong ginagawa ng mga simbahan. Kung pag uusapan talaga, malalim ang ugat ng mga pang-i iskam ng mga religious groups na ito. Ang iba, alam nila na scam ang kanilang ginagawa samantalang ang iba naman ay hindi. Sa katunayan, ang kanilang tanging iniisip ay laging tama ang kanilang ginagawa dahil para iyon sa kanilang diyos.

Pero balik dun sa punto, iba iba talaga ang paraan ng mga religious groups upang hawakan at sakluban ang pagkatao ng indibidwal. Kaya bukod dito, meron ding tinatawag na “televangelism”. Ito ay mga may “televangelist” na ibig sabihin ay mga pastor o mangangaral sa telebisyon. Ito naman ay mga pastor na inulan at kasalulyang inuulan ng batikos dahil sa kanilang mga limpak limpak na pera sa bangko at mga kayamanan na kasama pati mga mamahaling private jets at sasakyan na nagkakahalaga ng milyones.

Ang mga televangelist ay mayroong mga regular na programa sa telebisyon na nagpapakitang sila daw umano ay may abilidad na makapagpagaling ng mga may karamdaman. At dahil regular sila sa telebisyon, mas marami silang naaabot na tagapakinig/tagapanood. Hanggang ngayon, marami pa din ang mga sumusuporta sa kanilang kahit na ang totoo, ilang beses nang nabulgar ang kanilang mga pangloloko; ang kanilang mga pekeng himala at ang kanilang mga tunay na layunin na humakot ng maraming pera mula sa mga membro at mga donors.

Sa ngayon mahihirapan pa talaga tayong isa isahin na mapahinto ang ganitong pang aabuso lalo na ng mga malalaking simbahan. Pero kung gusto mong tumulong na maisaliwalat ang mga pang aabuso ng mga religious organizations na ito, i-share ang mo ang mga website/resources na ito:

https://richupdates.com/richest-pastors-in-the-world/

https://www.christianitytoday.com/better-samaritan/2021/november/corruption-runs-rampant-in-church-who-should-we-hold-respon.html

https://kdvr.com/news/local/coloradoans-with-cult-ties-charged-with-abuse-of-a-corpse-and-child-abuse/

https://www.verywellmind.com/what-is-a-cult-5078234