Home Uncategorized Pag “Incentivize” ng Vaccination, Isang Uri pa rin ng Pamimilit Ayon sa...

Pag “Incentivize” ng Vaccination, Isang Uri pa rin ng Pamimilit Ayon sa Isang Doktor ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh)  

74
0
SHARE

Noong Sabado, May 7, 2022, nagkaroon uli ng online na pagmi-meeting ang iba’t ibang mga grupo na ayaw sa mandatory vaccination at iba pang mga protocols ng gobyerno na para daw sa paglaban sa COVID. Ito ay pinangunahan ng walang iba kundi ang Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh). Sa meeting na ito, pinakita ng CDCPh ang mga video clips ng mga interbyu sa kanila Sen. Manny Paquiao, Sen. Ping Lacson, at Vice President Leni Robredo patungkol sa kung ano ang pananaw nila sa vaccination program ng gobyerno at kung saan sa palagay nila ang hangganan nito may kinalaman sa usaping karapatan ng indibidwal at ng ating konstitusyon.

Sa tatlong opisyal na tinanong, makikitang si Sen. Manny Paquiao lang ang medyo matapang na nagpahayag ng kanyang opinyon laban sa agresibong vaccination program na ginagawa ng Department of Health (DOH) at ng administrasyong Duterte. Sa bidyu, kinuwestyon ni Sen. Paquiao ang pamimilit na ginagawa ng mga LGU at ng mga employer sa mga tao. Ginamit ni Sen. Paquiao ang Bill of Rights, particular ang Article 3 Section 1 and 2, upang ipaliwanag na ang ginagawa na mga ito ng gobyerno ay isang napakalaking paglabag sa konstitusyon at sa karapatang pantao ng mga Pilipino.

Simula nang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Resolution No. 148-B noong December 2021 na nagmamandato sa mga manggagawa na magpasa ng negatibong resulta ng RT-PCR test o kaya ng antigen rapid test kada dalawang linggo kapag hindi bakunado, marami ang napilitan kahit ayaw naman nilang magpabakuna o kahit hindi sila pwede magpabakuna dahil sa halaga ng kailangan nilang gastusin. Ang panggigipit na ito sa kanila bilang employee, na nagdulot ng trahedyang kinalalabasan sa mga nagkaroon ng adverse effects, ay dahil din sa panggigipit ng IATF o di naman kaya sa panunuhol ng mga politikong sumusuporta sa malawakang pagbabakuna sa mga Pilipino.  

Kaya naman malinaw na mayroong napakalaking kamalian sa mga polisiya na ito ng gobyerno kung kaya ito ang pinapanawagan ng mga grupong tulad ng CDCPh, COVID Call to Humanity (CCH), Juan Dakila, Alliance of Davaoenios for Informed Choice (ADFIC), Gising Maharlika, at ng iba pa. Ang mga grupong ito ay nagbabalak na maghain ng opisyal na reklamo sa korte suprema ngayong mga susunod na mga araw upang, ayon sa kanilang apila, “itigil ang mga lockdown, ipagbawal ang ilegal at kontra-constitusyon na mga pagmamandato sa bakuna, pag usapan ng masinsinan sa publiko ang mga nangyayari sa mga biktima ng eksperimental na gamut (kasama na ang bakuna), at wag kailanman isuko sa mga dayuhan ang soberanya ng ating bansa”.   

Kapansin pansin naman na sa tatlong mga opisyal na ito, dalawa sa kanila ang tila sang ayon talaga na ipilit ang pagbabakuna. Ayon sa sagot nila sa interbyu, magkaparehong sinabi ni Sen. Ping Lacson at Vice President Leni Robredo na kinakailangan ma “incentivize” umano ang pagbabakuna; ibig sabihin ay hindi dapat magkaroon ng mga prebilehiyo ang mga hindi bakunado di tulad ng mga bakunado na malayang makakapagbyahe o kaya naman makapasok sa mga establishment. Ayon sa dalawa, ito umano ang mag i-encourage sa mga Pilipinong hindi pa bakunado na magpabakuna dahil “makikita nila na maraming pwedeng gawin ang mga bakunado na hindi nila nagagawa”.

Kung kaya ayon kay Dr. Cynthia Del Mundo, isang membro ng CDCPh, ang pagbibigay ng incentives na sinasabi ni Sen. Lacson at VP Robredo ay isang porma pa din ng coercion o pamimilit. Malinaw daw na nakasaad ito sa “Belmont Report”. Ang sinasabing Belmont Report na ito, ayon kay Dr. Del Mundo, ay isa sa mga nakapaimportanteng mga rules para sa mga ginagawang trials o eksperimento para sa mga gamot. Paliwanag pa niya:

“Kung magsasagawa ka ng trial para sa mga gamot, meron kang tatlong basic rules na dapat alam. At ang pinaka una dun is “Respect for person”. Ibig sabihin irerespeto mo yung pagkatao ng mga tao, bibigyan mo siya ng tinatawag na “autonomy”, binibigyan mo sya ng freedom to decide for him or herself. And you are not going to use coercion o ang tawag nila na “undue influence”. Ang “undue influence” occurs through an offer of excessive, unwarranted, inappropriate or improper reward, or other overdue to obtain compliance. Can you imagine sasabihin sayo ng lahat ng mga vaccinated, sila lang ang pwedeng mag enter ng mga malls, hindi ba coercion din yun?”

Komento naman ni Francis Abraham, isang member ng CDCPh:

“Yung incentivizing vaccination speaks a lot of things. Unang una, you want it incentivized kasi naniiwala ka sa bakuna. Kasi kumikiling ka sa paniniwala effective ang bakuna. Siguro nga hindi nila alam ang adverse events na nangyayari, kasi nga tinatago ito ng DOH. The DOH has been hiding all the adverse events. DOH has not been straight to us and not reporting the adverse events.”

Panoorin ang buong meeting ng CDCPh sa link na ito:

https://www.facebook.com/107617331530041/videos/3127621474142706