Home Uncategorized Mga Guro Posibleng Magsampa ng Kaso Laban sa IATF, DOH, at CHED

Mga Guro Posibleng Magsampa ng Kaso Laban sa IATF, DOH, at CHED

406
0
SHARE

Pinag iisipan na ng grupong Concerned Unvaccinated Teachers and Employees of Bohol (CUTE) at ng iba pa ang pagsampa ng kaso laban sa kung sino man ang responsable sa tanggapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), Department of Health (DOH), at posible na maging ng sa Commission on Higher Education (CHED) at mga Local Government Unit (LGU)) may kinalaman sa panggigipit laban sa mga guro mula sa ibat ibang lugar ng Pilipinas. Ito umano ay ang sapilitang pagre-require ng resulta mula sa RT-PCR test na kadalasang nagkakahalaga ng mula dalawang libo hanggang sa mahigit tatlong libo bawat isa.  

Ayon sa isang membro ng CUTE na nagngangalang Romero:

“Sa ngayon po, sapilitan na po ang pagpapasa ng RT-PCR test at hindi na kami napirmahan  DTR sa month of April, ibig sabihin wala na kaming sahod sa month of May. Form 6 din po, may nag school memo na principal na mag leave na lang kaya pina apply ng Form 6.”  

Humihingi din ang grupo ng payo mula sa mga abogado ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh) dahil sa wala pa umano silang pinal na espisipikong hakbang sa ngayon. Dagdag pa nito na marami umanong mga guro ang nahihirapan dahil sa hinidi makatarungang kondisyon na ito na binibigay ng IATF. Hindi umano nila matanggap na ang malaking parte ng budget mula sa kanilang sahod, na kasya lang umano  para sa pangangailangan ng kanilang pamilya, ay mapunpunta pa sa gastos sa pagpapatest, hindi naman lehitimo at maaari pang makasama sa kanilang kalagayan. Pahayag pa din ng representante na si Romero:

“Sa ngayon meron na kaming nahanap na private lawyer dito at ang suggestion niya, magkaroon tayo ng course of action kaya nagkaroon na kami ng letter of request addressing to our division school superintendent, through our PSDS, na talagang humingi kami ng konsiderasyon, dahil karamihan po sa amin na mga unvaxxed (hindi bakunado) dito, nagri range na lang sa 4,000 to 6000 Php na lang yung natira sa sahod, imbes na para sa mga anak namin, pang gatas, pang vitamins, ibabayad pa doon sa dalawang RT-PCR test na hinihingi buwan buwan.”

Siniguro naman ng isa sa mga abogado ng CDCPh na si Atty. Ting Bello na handa silang tumulong sa pagsasampa ng kaso laban sa IATF at iba pang mga sangkot sa pagpapatupad ng mga di makataong mga polisiya at mandatong ito para sa mga manggagawa. Handa umano ang kanilang grupo na makipagtrabaho at maging gabay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo at nararapat na gawin, pati na ng mga mahahalagang dokumento na kakailanganin sa kaso. PInagpayuhan din ni Atty. Bello ang mga indibidwal na nagbabalak din magsampa ng kaso na sumali sa mas malaking grupo upang maging mas epektibo.

Samantala, nanawagan naman ang isa pang abogado ng CDCPh na si Atty. Tanya Lat sa iba’t ibang grupo sa bansa na ipagpatuloy mga ginagawang pagpapakalat ng mga mahalagamg impormasyon, pag protesta, at paglaban gamit ang mga legal na taktika. Nanawagan din ang abogado sa mga nagmamalasakit at nagbabalak ng gumawa ng hakbang na makipag ugnayan sa mga abogado sa kanilang lokal na lugar upang matulungan ang mga biktima na makagawa ng kaukulang legal na hakbang upang pigilan ang panggigipit sa kanila. At higit sa lahat, nanawagan din si Atty. Tanya Lat na tulungan din ang iba’t ibang mga grupo sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa TRO (temporary restraining order) na kanilang iaapila.

Pakinggan ang buong pahayag ng mga abugado at ng iba pa sa meeting ng CDCPh dito:

https://www.facebook.com/107617331530041/videos/3127621474142706