Home Uncategorized Mga Dahilan kung Bakit may mga Muslim at Jewish na Ayaw sa...

Mga Dahilan kung Bakit may mga Muslim at Jewish na Ayaw sa Bakuna

51
0
SHARE
The doctor is injecting male patients.In the medical's hand have syringes.

Lingid sa kaalaman ng lahat, noong October 2021, may isang inang nagngangalang Kiran Yadav ang nag apila ng legal na reklamo sa mataas na korte ng Bombay laban sa kanilang gobyerno, kasama sina Bill Gates, Adar Poonawala – CEO of the Serum Institute of India, ang pinakamalaking prodyuser ng bakuna hindi lang para sa COVID kung di pati na ang bakuna para sa mga bata -, at iba pang mga public health officials ng India  dahil sa pagkamatay ng kanyang 23 taong gulang na anak na si Shri Hitesh Kadve matapos maturukan ng AstraZeneca Coveshield vaccine at namatay noong araw din na iyon, September 29, 2021.

Ayon pa din sa balita, ang magulang na si Yadav ay naniningil ng danyos na aabot ng $134 million o kaya $13.4 million para sa agarang kabayaran.

Kung kaya naman hindi rin nakakapagtaka para sa iilan na mayroon pa ring mga kultura o mga lugar sa iba’t ibang parte ng mundo na ayaw tumanggap ng bakuna mula sa big pharma.  Sa New York, US halimbawa, mayroong mga Jewish community ang tumatanggi sa bakuna dahil napag alaman nilang ang ibang mga bakuna ay mayroong pangpa-baog (infertility). Dagdag din dito, napag alaman din nila na ang mga bakuna ay may mga sangkap na heavy metals na ipinagbabawal ng gobyerno na makonsyum o mapunta sa mga tao gaya ng mercury, aluminium, caustic soda, etc., kung kaya isa ito sa kanilang kinukwestyon. 

Hindi rin ito eksklusibong nangyayari lang sa mga Jewish na komunidad. Sa Pakistan halimbawa, nagkaroon din noon ng malaking iskandalo at kaguluhan dahil napatunayan ng mga tao, partikular ng mga Islamic community doon na ang bakuna para daw umano sa polio noon ay nakakapagpa-baog din. Kaya naman maging hanggang ngayon, marami pa ring mga Muslim ang ayaw magpabakuna at masama ang tingin dito, dahil na din sa mga sangkap nito na salungat ka kanilang mga paniniwala (Sharia law).

Hindi naman talaga nakakapagtaka kung bakit maraming mga Muslim ang ayaw magpabakuna. Hindi ito dahil hindi nila alam ang siyensya dito kung hindi dahil sa ang mga sangkap at proseso sa pag gawa ng mga bakuna mismo ay hindi maituturing na halal kung hindi ay haram. Halimbawa, ang mga bakuna ay mayroong najs (impurities) dahil ito ay ginagamitan ng nga matatapang na kemikal, mga heavy metals at adjuvants gaya ng mercury, formaldehyde, antibiotics, at pati na rin egg or yeast proteins, latex, glutaraldehyde, at acidity regulators.

Bukod diyan ginagamitan din ito ng mga preservatives at emulsifiers gaya ng polysorbate 80, stabilizer, at gelatin o sorbitol. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang COVID vaccine ay hindi maituturing na halal certified. Sa Sharia Law o paniniwala ng Islam, ang bakuna ay hindi halal dahil gawa ito sa mga sangkap na nanggaling sa mga patay na hayop, o dugo, kasali na ang sa baboy na mahigpit na ipinagbabawal kainin ng mga muslim. Ang tinatawag na porcine trypsin at porcine gelatine ay gawa sa pamamagitan ng parte ng baboy o swine kaya ito ay bawal. Ang Porcine trypsin, halimbawa, ay nagmula sa pancreas ng baboy.

Malinaw na inuutos sa Sharia Law, sa pamamagitan ng Quran, na bawal sa isang muslim ang kumain ng pagakain o kaya gumamit ng gamot na may halong sangkap na nagmula sa baboy o kahit ano pa mang deribatiba nito. Dagdag pa dito, mahigpit ding ipinagbabawal sa Islam ang pag gamit ng mga gamot na mayroong mga nakalalasong kemikal, mga nakakalasing, at mga bagay na nagdudulot ng masamang side effects. Kung sa isang sinsiro at tapat na scientific na pagsisiyasat sa bakuna, hindi maikakaila na ang mga ito na mahigpit na pinagbabawal sa Sharia Law ay ang mga katangiang nasa bakuna. Sa katunayan, ito nga ang mga dahilan kung bakit hindi pwedeng ituring na halal ang bakuna.

Sources:

https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fitd.2021.788188/full

https://www.newindianexpress.com/nation/2019/oct/23/oral-polio-vaccine-causing-paralysis-in-kids-study-2051670.html

https://www.freepressjournal.in/viral/arrestbillgates-heres-why-indians-are-enraged-at-gates-foundation

https://www.newindianexpress.com/nation/2019/oct/23/oral-polio-vaccine-causing-paralysis-in-kids-study-2051670.html

https://hrmars.com/papers_submitted/12255/status-of-vaccines-derived-from-al-najs-in-islamic-perspective.pdf

https://www.chabad.org/library/article_cdo/aid/2870103/jewish/What-Does-Jewish-Law-Say-About-Vaccination.htm