Home Uncategorized Mga Benepisyo, Kahalagahan, at Paraan ng Pagdi-detox

Mga Benepisyo, Kahalagahan, at Paraan ng Pagdi-detox

17
0
SHARE
Detox concept with green vegetables: spinach, lettuce, cucumber, ginger, asparagus, broccoli and lime. White wooden background. Clean eating Vegetarian food Healthy fitness lifestyle. Top view.

Karamihan sa mga tao ay nagkakainteres lang sa mga natural na paraan ng pag aalaga ng kalusugan kapag sila ay mayroon nang nararamdaman. Minsan sa iba, nagiging huli na ang lahat. Ang hindi alam ng nakararami, ang pag iwas o di kaya ang pag alis (detox) ng mga di inaasahang mga factor na ganito (toxins) na nagdudulot din ng karamdaman ay napaka importante. Ito ay mas importante pa sa pag atake ng mga sintomas na dulot lang ng problemang ito na nasa ugat. At lingid sa kaalaman ng nakararami na napakalaki ng role ng environmental toxins sa mga problemang pangkalusugan na ating maaring kakaharapin.  

Kung kaya sa usapang health care, hindi maaring alisin ang usaping detoxification o detox. Ano nga ba ito? Ang totoo, nararapat talaga itong pag usapan dahil napaka importante nito. Ang isa sa dahilan kung bakit hindi ito gaanong pinag uusapan sa mainstream media ay dahil sa maapektuhan nito ng ang kita ng mga negosyanteng mayroong gamot para sa iba’t ibang uri daw ng sakit na ang karamihan hindi naman talaga espisipiko at pawang mga sintomas lang.

Ang ibig sabihin ng salitang detox ay ang ang pag alis ng mga toxins na maaaring napupunta sa ating mga organ gaya ng heavy metals, harmful preservatives, chemicals, synthetic flavorings, molds, bacteria, etc.. Ibig sabihin din ay ang “proseso ng paglilinis ng katawan”. Ito ay natural na nangyayari sa pang araw araw gaya ng ating pagdumi, pag ihi, pagdura, pagpapawis at iba pa. Sa pamamagitan ng mga ito, inilalabas ng ating katawan ang mga bagay na hindi maganda o healthy para sa kanya. At kapag ang mga toxins na ating nakukuha o naipapasok sa katawan ay hindi nailabas, naiipon ito at sa kalaunan ay magiging sanhi ng karamdaman.

Ayon sa pag aaral, ang balat ng tao ay isang napakalaking organ na nagdi-detox ng katawan. Tumutulong umano ito sa ating kidney na linisin ang ating mga dugo sa pamamagitan ng pagsala ng iba’t ibang mga toxins. At kapag congested na umano ang ibang mga organ natin na nagpapalinis ng ating katawan, ang balat natin ay tumutulong din na mailbas ang mga toxins na ito. Sinasabi ng mga eksperto na ang balat natin ay naglalabas ng 2 pounds of toxic waste sa isang araw sa pamamagitan ng pagpapawis.

Kung kaya napakahalaga daw talaga ng pag i-ehersisyo at pagpapapawis ng madalas, ayon sa kanila, upang madalas ding mailabas ng ating katawan ang mga toxins dahil sa araw araw umano natin itong nakukuha. Payo lang din ng mga eksperto na wag kalimutan palitan ang likido sa pamamagitan ng hydration o pag inom ng malinis na tubig o di kaya mga “safe at natural” na likido.   

Ang ilan daw sa mga palatandaan na kailangan mo nang mag detox, ayon pa din sa kanilang pag aaral, ay ang pangangamoy ng pawis o katawan dahil sa poor lymphatic function., pagkakaroon ng madumi at sobrang panghing ihi na pwede din na dahil sa problema sa atay, brain fog dulot ng heavy metals o kaya ng glyphosate, problema sa digestion dahil sa mga parasites, o di kaya pagkakaroon umano ng low libido dahil sa nakaparami nang mga toxins. Ang pagkakaroon ng ganitong mga sintomas, ayon sa pag aaral, ay nagpapahiwatig na kailangan na umanong mailabas ng katawan ang mga toxins.

Dagdag ng mga eksperto, ang mga toxins ay nakakapasok sa ating sistema sa iba’t ibang paraan. Maaring sa pag hinga, sa pag kain, pag inom, etc. Napatunayan nila na ang mga organs na madalas maapektuhan nito ay ang ating baga at mga nasa loob ng ating tiyan at ang mga ito ay madalas daw na napupunta sa ating mga fat tissues. Ang atay naman daw ay ang natatanging organ na tumutulong gawing likido ang mga iba’t ibang toxins upang ang mga ito ay mailabas sa pamamagitan ng ating balat, kidney, colon, dumi, at maging sa ating paghinga.

Ayon sa iba’t ibang sources, ilan sa mga pang detox na pwedeng gawin sa bahay ay ang pag i-ihersisyo at pagpapapawis, pagiging aktibo, pagiging selective sa pagkain o diet, juicing at vegetable/fruit smoothies, pag inom ng iba’t ibang klaseng herbal plants, pag intake ng activated charcoal, at ang iba naman ay gumagamit ng mga minerals gaya ng zeolite. Laging tandaan na kinakailangan munang alamin ang tamang proseso at ang posibleng maging side effects ng mga application na ito kung ikaw ay magdi-detox.

Kung gusto mong matoto ng iba’t ibang paraan ng pagdi-detox, puntahan ang mga webpage na ito:

https://www.narayanahealth.org/blog/detox-foods-detoxification-is-an-essential-part-of-optimal-health/

https://www.pureluxemedical.com/blog/5-safe-effective-ways-to-detox-your-body-naturally

https://www.healthline.com/nutrition/how-to-detox-your-body