Home Uncategorized Manipulasyon Ginagawa ng mga Simbahan Gamit ang mga Worship Music, Ayon sa...

Manipulasyon Ginagawa ng mga Simbahan Gamit ang mga Worship Music, Ayon sa isang Musical Director

17
0
SHARE
crowd worship worshipping worshipper church Sunday hand hand up hands up sing singing choir easter concert production band music song songs sing singing

Bilang isang dating membro ng kilalang banda na tumutugtog mismo ng mga Christian songs, isiniwalat at malinaw na ipinaliwanag ng isang musical director (MD) ang napakalaking papel ng musika sa pagmamanipula ng mga tao sa mga simbahan. Bilang isang musikero na nag umpisang magbanda sa napakamurang edad, ang MD na ito ay napakaraming natutunan at naobserbahan sa tuwing sila ay tumutugtog. Ang artikulong ito ay isa lang na napaka iksing pagtalakay sa isang napakamahagalang impormasyon; kung paano minamanipula ng mga relihiyon ang mga tao upang pagkaprehan at gamitin.

Isa sa mga bandang madalas iniimbita sa iba’t ibang mga Kristiyanong simbahan (na mayron ding malaking mga pagkakaiba sa mga turo) ang banda ng MD na ito noon. Aminado siya na wala din daw siyang ideya noon sa ganitong mga posibilidad at mga katotohanan kung kaya akala niya ay tama ang kanyang mga ginagawa at nasa ispiritwal na daymensyon talaga siya noon. Pakiramdam niya din, na gaya ng pakiramdam ng karamihan, ang nararamdaman niya na yun ay ang inakala niyang patunay na mayroon talagang presensya ng banal na espiritu (holy spirit) o ng diyos.  

Sinabi din ng MD na ito na hindi naman daw totoo na ang lahat ng nasa loob ng kanilang napakalaking simbahan ay nakakaramdam ng tinatawag na “presensya ng diyos” o ng “holy spirit”. Kaya umano nagmumukhang ganito ay dahil sa ang karamihan ng tao ay sumasabay lang sa grupo (group think), na karamihan din ay mga kabataang naghahanap pa ng mga “kasagutan”, na kung saan sila ay napapalibutan din ng mga taong mayroong kahalintulad na mga “katanungan”, at paniniwala ng sa kanila. Napansin niya rin daw ito noong siya ay nagturo ng musika sa 11 to 18 na taong gulang.

Ayon pa kay MD, gaya ng mga batang estudyante niya, naobserbahan niya na hindi lahat ng tao sa loob ng simbahan ay pare pareho ang nararamdaman. Kapag halimbawa ang isang tao ay nakikitang hindi naman lahat ng nasa palibot niya ay nagkakaroon ng ganung reaksyon sa tugtog o musika (ispiritwal o religious), lalo na ang mga adults, hindi rin umano ito kumikilos na tila may presensya talaga ng “holy spirit” o ng diyos. Ibig sabihin, hindi lahat pareho ang nararamdaman at pagkilos kung kaya hindi totoong mayroon ngang presensya ng banal na espiritu na tinatawag. Kasi kung mayron man, ayon sa MD, dapat lahat pare-pareho ang reaksyon dulot ng sitwasyon. Ang lahat ng iyon, ayon sa musical director na ito, ay mga ilusyon lang umano na nagagawa ng mga tunog o musika, kasama na ng pagkakataon o sitwasyon.   

Ipinaliwanag ng MD na madalas umano nagiging target dito ang mga taong problemado at may matinding “pinagdadaanan”, mga indibidwal na dumaranas ng iba’t ibang psychological or mental health issues o kaya ang mga taong may malalim na emosyonal na sugat dulot ng isang karanasan. Normal na sa ating mga tao ang naghahanap ng kasama, kausap, o kaya mga kaibigan na nakikita at nakakasabay sa isang gawain (tulad ng salo salo sa pagkain, konsyerto, etc.) kung kaya malaki ding factor ito kung bakit tumatakbo papuntang relihiyon ang taong bulnerable at kasalukuyang may dinaranas na mabigat o hindi mabuti sa kanyang mental at emosyonal na aspeto sa sarili. 

Napaka-sistematiko umano ng programang ito ng mga simbahan. Ayon sa kanya, ang lahat ay may purpose sa scheme ng mga religious groups na ito na umiiral. Kung kaya sa bawat hakbang, ayon pa din sa MD, ay nakadisenyo ang sistema sa pag atake sa bulnerabilidad ng mga tinatawag na target. Halimbawa, sa pamamagitan ng walang katapusang pagpapaalala ng mga kahinaan nito, mga problema, o kaya iba pang mga bagay na wala na sa kanyang kontrol gamit ang matinding pangungonsensya (guilt tripping) hanggang sa ang indibidwal ay bumigay sa psychological na pressure dulot ng mga ito.

Panoorin ang buong bidyo ng MD dito: