Home Uncategorized Isang Doktor Ipinaliwanag Kung ano ang Snake Venom Peptide

Isang Doktor Ipinaliwanag Kung ano ang Snake Venom Peptide

49
0
SHARE

Sa panibago niyang interbyu na ito, pinaliwanag ni Dr. Bryan Ardis ang kanyang mga tinatawag na teyorya sa documentary film nila ni Stew Peter na pinamagataang “Watch the Water” kung saan sinasabi niyang ang mga taong nasa pinaka-likod ng pandemya o scamdemic ay gumagamit ng snake venom peptide na umanoy maaaring sanhi ng mga pagkakasakit ng mga tao.

Ayon kay Dr. Bryan Ardis sa interbyu, wala umano siyang ideya noong una na ganun pala ka komon ang pag gamit ng snake venom ng mga pharmaceutical companies para sa paggawa ng mga gamot o medisina. Sa katunayan, ayon pa din sa kanya, hindi lang pala ito napaka-komon kundi ito din ang pinaka malaking ginagamit ng pharmaceutical industry sa buong mundo. Dahil daw ang snake venom ay may mga therapeutic at espisipikong reaksyon sa katawan ng tao, gaya ng pagpapalabnaw o kaya pagpapalapot ng dugo, kung kaya matagal na pala itong ginagamit na sangkap para sa mga, halimbawa, anti-strokes na gamot.

Ayon din sa salaysay ni Dr. Ardis, mayroon umano siyang kaibigan na nagngangalang Karen Kingston at ito umano ang tumutulong sa kanya sa pagri-research. Sa pagsisiyasat nito, napag alaman nito na halos lahat ng bakuna ay may patent umano na kahalintulad nang nasa snake venom peptide. Ang tawag dito ay SP-LA2 at sinabi niyang ito ay isang biomarker; isa daw sa mga kayang gawin ng venom enzyme na ito ay ang sirain ang organ ng katawan, partikular ang pancreas. Maging ang spike protein ng tinatawag na SARS-CoV2 daw umano ay may pagkahalintulad sa sequence ng snake venom peptide na ito kung kaya ayon kay Dr. Bryan Ardis , hindi niya naiwasang magtanong kung ang pinaghihinalaan ba na kapinsalaang dulot ng SARS-CoV2  ay dulot pala ng venom.

Dagdag pa ni Dr. Ardis sa interbyu na mula pa 1970s ay ginagamit na ang venom peptide na ito at kamakailan lang din daw, ang kompanyang VenomTech ng UK, isang napakalaking kompanya na gumagamit ng mga produktong gawa mula sa snake venom, ay nag anunsyo na kaya na umano nilang maglagay ng venom peptides sa tubig-inumin gamit ang nanoparticles.

Dati nang nakilala si Dr. Bryan Ardis ng publiko noong isiniwalat niya noong nakaraang taon ang tungkol sa napakadelikadong epekto ng remdesivir, ang iilan sa tanging pinapayagang gamot na gamitin sa mga ospital para daw sa mayroong COVID. Sa mga interbyu niya noong nakaraang taon, ipinaliwanag ni Dr. Ardis ang mga naidudulot ng sadyang napakamahal na gamot sa katawan ng tao na madalas nagiging sanhi ng iba’t ibang uri ng kasiraan sa mga organ at nauuwi sa pulmonary edema o pagkakaroon ng maraming tubig sa baga at tuluyang pagkamatay ng pasyente. Maling mali umano ang mga protocol na pinapatupad sa mga ospital kung kaya imbes na gumaling ay mas lalong lumalala ang sitwasyon.  

Ipinaliwanag din ni Dr. Bryan Ardis kung paano niya nasabi na ang mga diabetic na mga pasyente ay tiyak na maapektuhan ng mga toxins na nasa bakuna at magkakaroon ng iba’t ibang epekto. Dahil umano sa ang toxins o venom peptides na ginamit dito ay tumatarget ng pancreas at dahan dahang sinisira ang iba pang mga organ na konektado sa istado ng dugo ng tao. Sinabi din ni Dr. Ardis na mula pa noong 2005, mayroon na’ng research tungkol dito na kung saan ang mga daga ay hinati sa dalawang grupo – ang isa ay ginawang mga diabetic sa pamamagitan ng pagturok sa kanila ng partikular na bakuna at ang isa naman ay hinayaan lang ang normal na istado. Makalipas ang ilang araw, tinurukan ng mga scientist ng ispesipikong venom peptide ang dalawang grupo ng daga at dito nakita na ang mga dagang may diabetes ay namatay ngunit ang walang diabetes ay buhay.

Dagdag pa ni Dr. Ardis, ang pag isolate umano sa snake venom ay nagawa na ng mga scientist simula pa noong 1975. Noon pa umano, napag alaman na ng mga eksperto na ang snake venom pala ay may 19 na toxins na espisipikong sumisira sa mga organ ng tao. At dagdag pa niya, ito din ay nadiskobre at kinompirma ng kompanyang Gene&Tech makalipas ang ilang buwan at noong 2005 naman, may nagngangalan ding Dr. Bryan Fry na nagmula sa Australia ang nagpublisa ng kanyang research na nagpapatunay nga mayroon ngang 19 specific toxins ang venom na iba-iba ang klase ng paninira ang nagagawa sa mga organ ng tao.

Para sa kabuuang pagpapaliwanag ni Dr. Ardis sa kanyang teyorya”, panoorin ang interbyu niyang ito: