Home Uncategorized Iba’t ibang Grupo ng mga Pilipino Nanawagan na Tutulan ang “Global Pandemic...

Iba’t ibang Grupo ng mga Pilipino Nanawagan na Tutulan ang “Global Pandemic Treaty” ng WHO

92
0
SHARE
Geneva, Switzerland - September 3, 2020: General view of the World Health Organization (WHO) headquarters, a specialized agency of the United Nations responsible for international public health.

Noong May 18, 2022, nanawagan ang iba’t ibang mga grupo ng Pilipino, sa pangunguna ng COVID Call to Humanity (CCH), isang organisasyon ng mga propesyonal na Pilipino na ang isa sa mga pangunahing nagtatag ay si Nicanor Perlas, sa mga opisyales ng bansa lalo na sa kanila Sec. Francisco Duque III, secretary ng Department of Health (DOH), Mr. Evan P. Garcia, Ambassador at Permanent Representative ng World Health Assembly, at Dr. Mario C. Villaverde, ang Undersecretary ng Health Policy and Systems Development Team, na tutulan at wag sumuporta sa plano ng World Health Organization (WHO)  na pag amyenda ng International Health Regulations (IHR) sa mga membro nitong bansa.

Ang pagkilos na ito ay bilang pagsuporta umano sa panawagan ng World Council for Health, isang non-profit organization na nagpo-protekta sa karapatang pangkalusugan ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapanatili ng demokratikong proseso at sistema sa public health. Ayon sa nakasaad sa kanilang petisyon, nananawagan umano sila sa gobyerno na pag isipan ng mabuti ang epekto ng pagbibigay ng pahitulot sa WHO na pakialaman ang soberenya ng bansa sa ngalan ng kalusugan o kaya ng pandemya, sa pamamagitan ng pag amyenda ng IHR. Ang pag bago umano sa IHR ay magdudulot lang ng malaking problema sa mga bansang kasakop nito dahil sa malinaw daw umano na ang interes ng WHO ay hindi na para sa publiko kundi para sa mga malalaking pharmaceutical companies at iba pang mga malalaking institusyong konektado dito.  

Dagdag pang nakasaad sa petisyon ay ang tungkol sa mga napag alamang kurapsyong nangyayari sa WHO mula pa noon, na isiniwalat mismo ng mga tulad nila dating Director-General Margaret Chan Fung Fu-Chun. Ang tulad niya ay isa sa mga nagbulgar kung paano ang mga pondong galing sa mga pribadong donors at pharmaceuticals, kasama ng ang Bill and Melinda Gates Foundation (BMGF), GAVI, etc. ay nagiging dahilan ng pagkasira ng pangalan at serbisyo ng mga tanggapan ng WHO sa iba’t ibang parte ng mundo. At kapag naamyedahan umano ang IHR, mas mahirapan na umano ang ating gobyerno sa pagsunod sa tamang mga datos at demokratikong siyensya dahil mas mawawalan na ng boses ang publiko sa larangan ng tinatawag na public health.  

Ang IHR na naestablisa noong 2005 ay pinahintulutan ng 194 ka bansa na sumanib sa WHO. Kinikilala nito ang soberenya at pagkakasarinlan ng mga membrong nasyon at ito ay pumuprotekta sa karapatan ng mga bansang ito at ng indibidwal mismo kahit sa ano pa mang klase ng problemang pangkalusugan. Sa pamamagitan ng Global Pandemic Treaty, na plano ipasa ng WHO sa pamamagitan ng World Health Assembly (na nagsimula noong May 22 at matatapos ngayong May 28), maipapatupad umano ng WHO ang pag amyenda sa IHR. At kapag nagtagumpay ito, mas madali na umanong magkaroon ang WHO ng kapangyarihang diktahan ang mga bansang kasapi nito sa ngalan ng health emergency.

Basahin ang buong petisyon at pumirma dito:

Reference: