Home Uncategorized Grupo ng mga Doktor, Abogado, Guro, at Pribadong Manggagawa Nag-apila ng Petisyon...

Grupo ng mga Doktor, Abogado, Guro, at Pribadong Manggagawa Nag-apila ng Petisyon at TRO Laban sa mga Resolusyon ng IATF

142
0
SHARE

Nag apila ng petisyon ang grupo ng mga doktor, abogado, pastor, mga guro, at mga manggagawa ng pribadong tanggapan sa korte suprema na ipawalang-bisa ang mga resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), lalo na ang Resolution No.148-B na nag oobliga sa lahat ng manggagawa na magpabakuna at kung hindi, kinakailangang magpasa ng resulta ng RT-PCR test dalawang o kaya isang beses kada buwan. Hiniling ng mga nagpetisyon na ang korte suprema ay magbigay ng writ of preliminary injunction o kaya ng temporary restraining order (TRO) para sa mga resolusyong ito ng IATF.

Ang petisyon ay pinangunahan ni Nicanor Perlas III, sa tulong ng grupong Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh), COVID Call to Humanity (CCH), Legal Lightworkers for Life and Liberty, Juan Dakila Movement. Alliance of Davaoenios for Free and Informed Choice (ADFIC), at iba pa, kasama na din si Dr. Raffy Castillio, Dr. Allan Landrito, Atty. Tanya Lat, Atty. Aaron Soguilon, at ng beteranong toxicologist na si Dr. Romeo Quijano.  

Sinabi ni Nicanor Perlas kahapon sa press conference na malinaw umano ang polisiya ng gobyerno may kinalaman sa COVID ay hindi nakabase sa science at aktwal na data sa mga pag aaral. Aniya, “walang science sa likod nito”, at “ang mga nagbabakuna ay nag-a assume lang na makakapigil ito sa paghawa o pagkakaroon ng virus” pero ang totoo, “wala silang data na magpapatunay dito”.

Ang totoo, ayon umano sa matinding pagsasaliksik ni Nicanor Perlas, ang bakuna ay hindi nakakapigil sa pagkakahawa, pagkakasakit o maging sa pagkaka-ospital. Sa katunayan, maraming mga lugar na kung saan mas mataas pa ang bilang ng mga nabakunahan ng kompleto, kasama na ang booster, sila pa ang nagkaroon ng mataas na antas ng hawaan o impeksyon na naitala.

Ayon pa din sa isa sa mga pinaka-nangunguna sa petisyon na si NIcanor Perlas, hindi na umano ito kaya pang pasinungalingan dahil ang lahat ng dokumentong pinasa nila sa supreme court ay pawang mga lehitimong datos at mga testimonya ng mga eksperto at mga karanasan ng nabiktima sa polisiya ng IATF at ng gobyerno sa bakuna; sa karapatang makapag trabaho at maging ng sa pangkalusugan.

Dagdag din nito, isa na sa mga edibdensyang pinanghahawakan nila ay ang Pfizer documents. Dito sa mga datos ng pag aaral sa bakuna ng Pfizer, makikitang napakaraming insidente ng adverse events sa mga clinical trials ng Pfizer vaccine, minsan bagay na nagiging dahilan kung bakit kinakailangang ipatigil ang eksperimento. Ang problema dito, hindi ito basta-basta binabalita sa telebisyon o kaya sa kahit saang mainstream sources.  

Bukod diyan, sinabi din ni NIcanor Perlas na kasama din sa mga dokumentong ipi-presenta nila ay ang mga dokumento mula sa VAERS (vaccine adverse events reporting system). Ito ay isang programa na rehistrado ng gobyerno ng US upang maitala at magawan ng dokumento ang mga tinatawag na adverse event na nangyayari o mangyayari mula sa pagbabakuna. Sa VAERS, maraming mga kaso ng vaccine deaths at injuries na sinasadyang itago sa publiko ng mga vaccine companies, sa tulong ng mainstream media at maging ng ibang mga opisyal ng gobyerno ng US. Ayon pa kay Nicanor Perlas, mayroon na umanong “60,000 deaths at 2 million adverse events” mula sa bakuna ang naitala. 

Samantala, ayon naman kay Pacifico Agabin, ang lead counsel ng grupo na isang dating dean sa University College of Law, at “long-time professor of constitutional law specializing in the “Bill of Rights”, naniniwala umano siya na napakalaki talaga ng kamalian ng gobyerno sa mga polisiya nito may kinalaman sa pandemya. Ito umano ay lumabag ng husto sa karapatang pantao ng maraming mga Pilipino, kasama na ang “karapatan nilang makapagtrabaho ng maayos”.

Panoorin ang unang parte ng press conference mg mga nagpetisyon kahapon sa link na ito ng COVID Call to Humanity (CCH):

https://www.facebook.com/covidcalltohumanity/videos/957409938258190
SHARE
Previous articleMga Guro Posibleng Magsampa ng Kaso Laban sa IATF, DOH, at CHED
James Herer is a writer and a health/mental health advocate who writes about topics such as health, mental health, medicine, science, politics, and philosophy. If you want to support his works by donating or ask questions, please send an email at jh4322020@gmail.com