Home Uncategorized FDA Nagbabala sa Pagbibigay ng J&J Vaccine Dahil sa Blood Clot; Binalewala...

FDA Nagbabala sa Pagbibigay ng J&J Vaccine Dahil sa Blood Clot; Binalewala ang Records ng Pfizer at Moderna Vaccines

20
0
SHARE

Binigyan ng babala ng Food and Drug Administration (FDA) ng America ang mga health administrator at mga publiko doon na “mag ingat” sa pag gamit ng bakunang Janssen ng Johnson & Johnson (J&J) dahil sa mga resulta at side effects mula dito na napag alaman.  

Dahil umano sa blood clot o pamumuo ng mga dugo ng ibang mga nakatanggap ng bakunang ito ng J&J para sa COVID, nagbabala ang FDA pati na rin ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na wag itong basta basta gamiton kung hindi kinakailangan.

Ayon sa rekomendasyon ng FDA at CDC, dapat lang daw umano ibigay ang J&J vaccine sa mga taong hindi maaaring gumamit ng ibang brands o kaya kapag ito ay espisipikong ni-request ng taong magpapabakuna. Ayon pa din sa kanila, imbes na J&J ang ibigay ay mararapat na ang bakuna ng Pfizer o kaya ng Moderna na lang umano ang ibigay sa tao dahil sa ang mga ito umano ay mas ligtas kompara sa J&J.

Ang hindi alam ng publiko, ang mga brands na ito na sinasabing alternatibo ng mga health officials ay mayroon ding napakasamang records na makikita ngayon mismo sa VAERS (vaccine adverse events reporting system)  at maging ng sa mga database ng Europe, gaya ng EudraVigilance, ng mga kapinsalaan at kamatayang dulot ng dalawang brands na Moderna at Pfizer. Kung kaya sadyang nakakapagtaka kung bakit ang sa J&J vaccine lang ang nirerekognisa ng mga ahensyang nabanggit samantalang kitang kita naman sa records ng dalawang brands na ito na marami din ang bilang ng mga napinsala at namatay.    

Hindi lang ito ang problema sa panibagong hakbang ng FDA at ng CDC, halatang mayroong pinagtatakpan ang mga ahensyang ito. Sinasabi nilang napaka-bihira lang ang kasong mga ganito ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, nitong January 29, 2022 lang, nakita sa resulta ng mga datos sa EudraVigilance (isang database ng mga kapinsalaan at kamatayang dulot ng mga gamot, kasama na ng mga bakuna) na mayroong kabuuhang 420 na bilang ng namatay at 127, 305 ng mga napinsala ng bakunang Janssen ng J&J sa loob ng mga lumipas na buwan.

Ang pagsisinungaling na ito ng mga health officials sa FDA at CDC, kasama ang mainstream media, ay isa sa mga laging paraan na inuutos ng mga big pharma at iba pang kasamang nagtutulak ng vaccination agenda na ito upang pagtakpan ang katotohanan at panatilihing mangmang ang mga tao tungkol sa bakuna.

Malinaw din na hindi lang J&J ang problema dito kung hindi halos lahat ng bakuna, pati na lalo ang dalawang nirerekomenda ng FDA at CDC. Nitong January 29 lang din, kasama sa naiulat sa EudraVigilance ang kabuuang 11,008 na namatay at 543,543 na napinsala ng mRNA na bakuna ng Moderna samantalang mayroon naman kabuuang 17,578 na naitalang kamatayan at 1,704,757 na kapinsalaang dulot ng Pfizer mRNA vaccine. Dagdag pa dito, mayroon ding ulat na umaabot sa “1000%” ang pagtaas ng bilang ng kapinsalaan at kamatayan dulot ng Pfizer COVID-19 vaccine na para sa 5 to 11 year olds.

At dagdag pa din diyan, iniulat ng Health Impact News nito lang April 2, 2022 na mayroong “17,500” porsyentong pagtaas sa mga naitalang kaso ng sakit sa puso (myocarditis at pericarditis) sa mga batang nabakunahan ng Pfizer at Moderna mRNA vaccines at nitong April 9 naman, iniulat din ng Health Impact News na mayroong “4,023” fetal deaths ang naitala sa VAERS matapos ang pagbabakuna sa mga buntis gamit ang Pfizer, Moderna, at J&J vaccines.

References:

Health Impact News dot com

https://www.latimes.com/science/story/2022-05-05/fda-restricts-johnson-covid-19-vaccine-due-to-blood-clot-risk

https://www.usatoday.com/story/news/health/2022/05/05/fda-covid-vaccine-johnson-johnson-restriction-blood-clot-risk/9667674002