Home Uncategorized China Patuloy na Nag iimbak ng Napakaramihang Pagkain

China Patuloy na Nag iimbak ng Napakaramihang Pagkain

126
0
SHARE
Shanghai.China-Jan.2021: new Covid-19 cases have emerged in China. Region has been locked down. Medical staff in white hazmat suit on street

Ibinalita sa iba’t ibang alternative media outlet ilang araw lang ang nakalipas na patuloy pa din daw umano ang China sa pag iimbak ng napakaraming pagkain at ayon pa sa balita, isa daw umano ang America sa pinanggagalingan ng mga corn, wheat, at grains at iba pang crops na mahalaga sa pang araw-araw na pangangailangan ng tao, kahit na sinasabi ng mga eksperto na mayroong banta ng kakulangan sa pagkain dito.

Noong December 2021, binunyag din sa mga balita ang gawaing ito ng China. Aminado naman ang China na sila nga ay nag i-import ng sobra-sobrang pagkain hanggang sa ngayon at noong nakaraang taon ay umabot umano sa mahigit kalahati ng suplay sa buong mundo ng corn at grains ang nakuha ng China at ayon sa mga istatistiko, magpapatuloy pa na ganito ang China na tila naghahanda talaga sa isang napakalaking tinatawag na food shortage o kakulangan sa pagkain.

Makikita sa data mula sa US Department of Agriculture na ang China at mayroong 69% ng reserba ng mais sa unang kalahati ng “crop year” ngayong taon samantalang 60% naman sa bigas at 51% sa harina. Si kinabuuhang sampung taon, tumaas ng 20% ang kanilang pag angkat. Sa 2020, makikita sa data mula sa Chinese General Administration of Customs na sila ay gumastos ng $98.1 billion halaga ng import ng food, hindi pa kasali ang mga beverages.

Sinasabi din ng mga eksperto na sa loob lang ng limang taon, ay mas tumaas ng 12 na beses ang pag angkat ng China ng mga mais, harina, at soybean pati na ng pork, prutas, dairy, beef, at manok sa mga bansang gaya ng Brazil, Paraguay, Argentina, at ibang parte ng America. Nangyayari umano ito dahil sa hindi na kayang suplayan ng China ang kanyang sariling mga mamamayan.

Malinaw naman itong kinompirma ng isang opisyal ng “grain reserves” sa National Food and Strategic Reserves Administration na si Qin Yuyun. Sa isang interbyu niya noong April, sinabi ni Yuyun na ang China nga sa ngayon ay nag iimbak ng napakaraming mga pagkain sa isang “historically high level” dahil sa “food security concerns”. Sinabi din niya sa reporter na tinatayang aabot pa ng isang taon at kalahati ang kayang mai-suplay ng kanilang mga naimbak sa ngayon.    

Mula September 2021 hanggang April ngayong taon, umabot daw sa 27.3 million metric tons ng soybean ang binili ng China. Ito ay ayon sa isang member ng American Soybean Association na si Scott Gerit. Ganito ka laki ang pinoprodyus para sa China dahil sa laki ng populasyon nito at dahil rin sa napakataas ng protina na nasa soybean, isa ito sa pinakaimportanteng crops na ginagamit para sa livestock at maging sa pag gawa ng mantka o langis na siyang ginagamit pangluto ng mga produkto.

Ayon naman sa isang vice president ng isang advocacy group, ang US-China Business Council, na si Douglas Barry, malinaw na ang China ay willing na gumastos pa ng malaki sa hinaharap para mag import pa ng pagkain para sa kanilang mga mamamayan at sa livestock. Sinabi nito na sa ngayon walang ibang mabibilhan ang China kung di ang US. Ikinatuwa ito ng ibang mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ng US ngunit ikinagalit naman ito ng iba dahil sa malinaw na hindi daw umano talaga priority ng gobyernong Biden ang kaniyang mga mamamayan.    

Samatala, wala pang dalawang buwan ang nakalipas, naging mainit ang China dahil sa mga naglalabasang mga bidyo sa social media tungkol sa kung paano tinatrato ng gobyerno ang kanilang mga mamamayan sa ngalan daw umano ng pagsugpo sa virus sa pamamagitan ng tinatawag na “hard lockdown”. Sa mga bidyong kumakalat, makikitang marami nang mga Chinese ang galit na galit sa mga polisiya ng kanilang gobyerno dahil sa sila daw umano ay ginawang parang mga kriminal na kinukulong at tila pinapatay sa gutom.

Dahil din sa mga napakasamang pangyayaring nagaganap sa China, marami sa kanilang mga mamamayan ang nagpakamatay. At minsan. magkakasama ang magpamilya o mag asawa habang ang iba naman ay pinapakitang nila-lock sa isang area o kaya sa loob ng tren, habang ang iba naman ay nila-lock sa kanilang mga mismong bahay. Kasama din sa mga pinapakita sa mga bidyong sinasabi ang mga robot na mga spy camera na pagala gala sa kalsada at pati na mga drone na nagpapaalala sa mga tao na wag lumabas ngbahay o kaya gumawa ng mga bagay na mahigpit na pinagbabawal ng gobyerno, lalo na ang pagpakalat ng mga bidyo o statement tungkol sa usaping “pandemya” o COVID sa China.

Sources:

https://www.breitbart.com/asia/2022/04/20/nervous-china-pressures-farmers-to-prepare-for-more-crops/

https://www.investmentwatchblog.com/china-stockpiling-food-at-historically-high-levels/