Home Uncategorized Ang mga Maaaring Epekto ng Smartphone sa Kalusugan ng mga Kabataan

Ang mga Maaaring Epekto ng Smartphone sa Kalusugan ng mga Kabataan

3
0
SHARE

Napatunayan sa mga pag aaral na ang madalas na pag gamit ng smartphone ay direktang nakakaapekto sa proseso ng pagkatoto ng bata sa iba’t ibang mga nararapat na kakayahan (skills). Napipigilan nito ang pag unlad ng isang bata sa kanyang mga abilidad at kaalaman, halimbawa sa aspeto ng akademya (math, science, etc.), sa pakikipagkapwa, at sa iba pang mahalagang mga skills. At dagdag pa diyan, malinaw din na napag alaman sa siyensya na ang mga radiation, electromagnetic waves, etc. ay direktang nakakaapekto sa pag gana at proseso ng utak ng tao.

Napag alaman din na ang palagiang pag gugol ng mahigit dalawang oras sa smartphone ay tumutulong sa pagdudulot ng mga problemang emosyonal at maging ng mental. Isa na dito ang pagkakaroon na problema sa pagtuon ng atensyon. Maliban diyan, napag alaman din ng mga eskperto na sa sobra sobrang exposure sa mga video games at action films, ang bata ay nagiging desensitized sa mga karahasan at nag aakalang normal lang ang gumamit nito sa pag resolba ng mga problema.  

Ayon naman sa mga child psychologist, malaki din ang epekto ng smartphone sa relasyon ng isang bata at ng magulang. Ito ay dahil sa inaagaw nito ang atensyon ng bata at imbes na ang natural na koneksyon nito sa kanyang magulang ang dapat mangibabaw, ito ay napapalitan ng superpisyal at birtwal na komunikasyon at relasyon.

Napag alaman din na malaki ang pagbabagong idinulot ng mga smartphone sa mga kabataan pagdating sa usaping komunikasyon at responsibilidad. Sa online na pakikipag usap, halimbawa, napansing hindi gaanong naiisip ng isang bata ng maayos ang mga mensaheng kanyang natatanggap at mga  sinasabi/sasabihin dahil nga sa hindi nito nakikita ang kanyang kausap at hindi niya nababasa ang mga body language nito, bagay na napakahalaga sa isang malinaw at maayos na pakikipag usap (healthy communication method). 

Ayon pa sa pag aaral, ang smartphone ay nakakaapekto din ng masama sa pagtulog na isang bata. Ito ay dahil sa ang gadget na ito ay nakaka-adik dahil sa dami ng mga app na pwedeng laruinn ng mga bata gamit nito. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga bata ang matagal makatulog sa gabi dahil sa paglalaro o pag gamit ng smartphone. At dahil sa dami ng mga video games na pwedeng laruin ng mga bata dito, ito rin ang isa sa nagiging dahilan kung bakit nalilimita ang pag unlad ng kanilang mental o intelektwal na aspeto, kasama na pati ang kanilang abilidad na maging malikhain (creativity). Kaya sinabi ng mga eksperto na malaki ang sagabal ng sobrang pag gamit ng smartphone sa pag aaral ng isang bata at ang adiksyong naidudulot umano nito ay maaaring tumagal hanggang sa kanilang paglaki.

Sinasabi din ng mga eksperto na ang sobrang pag gamit ng smartphone ay nakakaapekto sa timbang ng katawan ng tao. Kung kaya hindi man direkta, ito daw umano ay nakakapagdulot pa rin ng obesity o sobrang katabaan sa mga kabataan. Ito ay dahil sa kapag ang bata ay naglalaro o gumagamit ng smartphone ng matagal, hinidi naigagalaw ang kanyang buong katawan kung kaya hindi gumagana ang mga motor o parte ng katawan na dapat ay gumana o maigalaw. Ang pag gana ng ating mga iba’t ibang organs at muscles ay napakaimportante kung kaya pinapayo talaga ng mga eksperto ang pag i-ihersisyo araw-araw. 

Napag alaman din sa mga pag aaral na ang sobrang pag gamit ng smartphone ay nakakadagdag sa mga problema sa kalusugan sa isip o mental health ng mga kabataan. Sinabi ng mga eksperto na isa ito sa mga maaring dahilan ng pagkakaroon ng depresyon, anxiety, anorexia, at iba pa dahil sa iba’t ibang impormasyong nasasagap ng mga bata galing dito, kasama na pati ang mga negative radiation na nasasagap din na utak ng tao. At higit sa lahat,

napag alaman sa mga pag aaral sa ospital na ang sobrang pag gamit ng cellphone ay posibleng nakakapagdulot ng mga tumor.    

References:

https://parenting.firstcry.com/articles/harmful-effects-of-mobile-phone-on-child/

https://time.com/5514539/screen-time-children-brain/

https://www.greenbot.com/article/2934913/10-reasons-not-to-give-your-kid-your-smartphone.html

https://ibpaworld.org/blog/should-kids-have-cell-phones-experts-pick-sides/