Home Uncategorized Tallano-Marcos Gold Totoo nga Bang Isang Scam?

Tallano-Marcos Gold Totoo nga Bang Isang Scam?

115
0
SHARE

Mapapansing maraming naniniwala sa sinasabing ang mga Marcos umano ay mamimigay ng ginto at pera sa mga tao at babayaran umano ng mga ito ang “utang” ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mga ari-ariang ginto kapag nanalo sa Bongbong Marcos Jr.

Ang kwentong ito, na kilala rin sa tinatawag na “Tallano Gold”, ay sinimulan umanong ipakalat ng mga Marcos loyalist base sa artikulong inilabas ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), isang partidong tinatag ng dating pangulong Ferdinand Marcos, na pinamagataang “The Untold Story of the Kingdom of the Maharlikans, now called The Philippines”.

Ayon sa kwentong Tallano Gold, binayaran umano si dating President Ferdinand Marcos ng tone-toneladang ginto ng mga angkan ng Tallano o ng pamilya Tagean Tallano kapalit ng serbisyong-legal na ginawa nito sa kanila. At base dito, ayon din sa naratiba na bago umano namatay si Ferdinand Marcos ay naghabilin daw ito na ipamamahagi nila ang mga gintong ito kapag nanalo ang kanyang anak na si Bongbong Marcos Jr. Dagdag pa pa din sa kwentong ito, hindi umano namatay si Jose Rizal at ang mga gintong ito din daw ang ginamit upang maipundar ang World Bank.

Sa kabuodan ng kwento, ang angkan ng mga Tallano umano ang nagmamay-ari ng lahat ng arkipelago ng Pilipinas, na tinatawag daw noon na “Kaharian ng Maharlika”, at sila rin daw ay mayroong daan-daan libong toneladang ginto. Ang tanging dokumentong pinanghahawakan ng mga tao at organisasyong nagsasabi nito ay tinatawag na OCT 1-04 na pinirmahan umano noong January 17, 1764 ng mga opisyal ng Spain.

Subalit pinabulaan naman ito ng isang historian na si Bob Coutti. Sa isa sa kanyang mga bidyo, pinaliwanag nya kung paaano ang lahat ng mga dokumentong sinasabi ng mga nagpapakalat ng kwentong ito ay hindi tunay at hindi valid. Wala umanong maipakitang ni isang tunay o orihinal na dokumentong nakasulat sa Spanish ang mga taong nagpapakalat ng kwentong ito. Hinimay din ni Bob Coutti ang mga nakasulat sa dokumentong nasabi at naipakita niya na maraming problema dito dahil hindi nagkakatugma sa mga petsang sinasabi (anachronism) at maging pati ang mga taong nabanggit dito ay hindi din nagkakatugma ang kanilang panahon.

Matatandaang ang pangloloko sa mga Pilipino gamit ang kwentong ito at ang apilidong Marcos ay nangyari na noon. Noong September 23, 2017, libo libong mga tao ang nagpunta sa UP Los Baños dahil pinangakuan umano sila na makakatanggap ng tig iisang milyong piso. Ang perang ipamimigay daw na ito ay ipapamahagi sa loob ng apat na taon at ang mga “beneficiary” ay tatanggap ng P10,000 kada buwan. Pinangakuan din silang tatanggap ng P10,000 sa mismong araw na iyon. Marami ang mga Pilipinong nagpunta ng maaga; ang iba ay madaling araw (3AM) pa at nanggaling pa sa malalayong probinsya, bitbit ang kanilang mga anak, ngunit lahat sila ay umuwing bigo at walang natanggap.  

Napapabalita pa rin sa social media ngayon na mayroon umanong mga grupong naghahanap ng taong magpaparehistro (na nangongolekta ng P500 bilang registration fee) upang maging “beneficiary” daw umano ng perang ipamamahagi galing pa din sa nagngangalang Marcos. Nakakapagtakang sa kabila ng napakalaking panglolokong ito na ginagawa sa mga Pilipino, wala man lang ni isa sa mga Marcos o sa mga namumuno ngayon, kasama na si Pangulong Duterte, ang seryosong nag utos, o kaya nanawagan man lang, na pa-imbestigahan ang mga nasa likod ng scam na ito at mabigyan ng parusa kapag napatunayang sila ay guilty sa nasabing krimen. Kung kaya, hindi maiwasan ng ibang mga Pilipino na mag isip na baka kasabwat din ang ibang mga pinuno ng bansa pati na ang mga Marcos sa scam na ito.

Panoorin ang buong paliwanag ni Bob Couttie dito:

More references:

https://bobcouttie.wordpress.com/tag/tallano/

https://philstarlife.com/news-and-views/807229-the-ludicrous-myth-of-the-tallano-gold

http://kbl.org.ph/the-untold-story-of-the-kingdom-of-the-maharlikans-now-called-the-philippines/

Featured image: http://www.positivelyfilipino.com/magazine/philippine-hoaxes-of-cabbages-and-kings-grifters-and-trolls