Home Health Pangalawang Booster Shot Inaprobahan ng FDA; Mga Bakuna Masisira na Ngayong Hulyo...

Pangalawang Booster Shot Inaprobahan ng FDA; Mga Bakuna Masisira na Ngayong Hulyo 2022

50
0
SHARE
Vials with covid-19 coronavirus vaccine on laboratory table ready to be distributed for prevention of infection with this virus

Ayon sa Department of Health (DOH) kahapon, April 13, 2022, inaprobahan na umano ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna ng pangalawang COVID-19 booster shot para sa mga senior citizens, immunocompromised, at sa mga healthcare workers. Ang booster shot umano na ito ay pwede nang makuha pagkalipas ng apat na buwan matapos ang unang booster shot, ayun pa rin sa DOH.

Dagdag din ng ahensya, tinatrabaho na umano ng National Vaccination Operations Center ang mga gabay sa pagbibigay ng pangalawang booster shot na ito at maliban din daw rito, nakapasa na din sila ng request para maaprobahan din ng FDA ang booster shot na para sa mga minor de edad na 12 hanngang 17 taong gulang.

Samantala, iniulat naman ng COVID Call to Humanity (CCH) na base umano sa kanilang pagsasaliksik, ang totoo at tanging dahilan daw umano kung bakit tinutulak talaga ng gobyerno ang booster shot ay dahil sa masasayang umano ang mga bakuna na kanilang binili na nagkakahalaga ng 13.5 billion pesos. Kapag nangyari ito, maaari umanong makasukan ang administrasyon dahil sa ito ay binili gamit ang buwis ng mamamayang Pilipino.

Iniulat ng Philippine Star noon April 5, 2022 na ang administrasyong Duterte ay umutang daw umano ng 2 trillion pesos para sa COVID-19 pandemic. At mula rito, bumili ang gobyerno ng 27 million doses ng bakuna na nagkakahalaga nga ng 13.5 billion pesos na masisira o mag i-expire ngayong buwan ng Hulyo. Ang mga bakunang ito ay dumating noong November at December 2021. Pagdating ng January 2022, nadagdagan na naman daw umano ito ayun kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Dagdag pa ni USec. Cabotaje na bukod sa hindi maayos ang distribusyon ng mga bakunang ito, isa pa umano sa dahilan ng malaking problemang ito ng gobyerno ngayon ay ang maiksing expiry life ng mga dumating na bakuna.

Matatandaang iniulat dati ng DOH na mayroong nasa humigi’t kumulang na 30 milyong Pilipino ang hindi na bumalik para sa kanilang booster shot. Ang maaaring dahilan nito ay ang mga napabalitang mga namatay at mga nagkaroon ng malalang sakit dahil sa side effects ng mga bakunang ito noong mga nakaraang mga buwan. Bukod dito, maari ring sila mismo ay nakaranas ng di magandang epekto ng bakuna. Kung kaya naman, todo-panggigipit at todo-tulak ang gobyerno ngayon sa mga bakunang ito na malapit nang masira.

Noong April 11, 2022, nagpahayag si Pres. Rudrigo Duterte na hindi katanggap tanggap na dahilan ang “kultura at paniniwala” ng mga tao, partikular ng mga Pilipinong muslim sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), upang tanggihan ang pagbabakuna.   

Sources:

https://www.cnnphilippines.com/news/2022/4/13/FDA-DOH-approves-second-booster-seniors-immunocompromised-healthcare-workers.html

https://www.philstar.com/opinion/2022/04/05/2172325/p135-b-covid-19-vax-expiring-july