
Dumarami umano ang mga pasyenteng nagpapatingin dahil sa mga nararamdaman nitong mga sakit pagkatapos nilang mabakunahan o kaya ma-boosteran kontra COVID, ayun sa mga doktor na sina Dr. Marivic villa at Dr. Jade Del Mundo.
Sa isang online meeting sa Facebook ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh) noong nakaraang April 9, 2022, nagkwento ng kanilang mga karanasan ang mga doktor na nabanggit. Ang mga obserbasyon nilang ito ay dahil sa kanilang mga pagsusuri nito lamang mga nakaraang buwan.
Ayun sa salaysay ni Dr. Del Mundo, marami umano sa kanyang mga pasyente ang nagpatingin dahil sa problema nila sa mata o paningin. Naapektuhan umano ang mata ng mga ito ilang araw o ilang linggo matapos silang mabakunahan. Ayun sa doktor, ang iba umano ay namaga ang mata ng dalawang buwan at ang iba naman ay nahirapang ikilos ang kanilang mga mata. At dagdag din ni Dr. del Mundo:
“Nakakita ako ng pasyente (na nagkaroon ng blood clot o pamumuo ng dugo sa may bandang mata) sa pamamagitan ng ng laboratory examination na pinadala sa akin. Ito yung pasyente na well-documented yung kanyang problema sa mata. Nagkaroon siya hindi lamang blood clot kundi pati hemorrage, at konektado ang mga iyon kasi ang tawag dito ay “central retinal vein occlusion”. Nagkaroon ng blood clot dahil yung dugo na dumadaloy sa ugat na doon sana papunta sa puso ay barado na kaya sa mata ito lumalabas”.
Samantala, ayun naman kay Dr. Marivic Villa, marami din daw ang nagpakonsulta sa kanya na problema naman sa immune system ang dahilan. Si Dr. Villa na isa ring Pilipinong doktor ay nasa Florida (USA) ngunit isa ito sa mga membro ng CDCPh. Doon sa Florida, mas madali umanong malaman ang mga kaso at sanhi ng mga problemang pangkalusugan dahil sa “high tech” ang kanilang mga kagamitan kaya masasabi niya talaga na dahil sa bakuna ang mga naging problema ng kanyang pasyente dahil mayron siyang paraan upang malaman ito.
Sabi ni Dr. Villa, ang isa sa mga reklamo umano ng kanyang mga pasyente ay fatigue o ang matinding pagkapagod. Aniya, kahit umano magpahinga o matulog ang mga ito ay pagod pa din sila pagkagising. Ayun din kay Dr. Villa, may mga pasyente rin daw siya na bumalik ang mga karamdahan, maging pati ang cancer nito na kahit sampung taon nang gumaling, matapos mabakunahan. Dagdag rin ni Dr. Villa na mayron din daw siyang pasyenteng “bumababa ang memory” at ang iba naman ay “parang nanunuyo”. Ang mga ito raw ay nagsisisi kung bakit sila nagpabakuna. Panawagan naman ni Dr. Villa sa mga kapwa niya doktor:
“Pinapayo ko po sa mga kapwa ko doktor na kilalanin ang ganitong mga kaso dahil marami po ito.”
Panoorin ang buong video episode ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh) noong April 9, 2022 dito:
https://www.facebook.com/107617331530041/videos/987185778837271/