Home Uncategorized Mga Expired na Bakuna Papalitan Umano ng COVAX ayon sa DOH

Mga Expired na Bakuna Papalitan Umano ng COVAX ayon sa DOH

36
0
SHARE

Inanusyo kahapon ng umaga, April 27, ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na papalian daw umano ng COVAX facility ang nasa mahigit 3.6 milyong bakuna para sa COVID ng Pilipinas na nag expired. Ang COVAX umano ay isang organisasyon o programang magpapabilis sa paggawa ng mga COVID vaccine, ito ay pinamumuuan din daw ng CEPI o Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, GAVI the vaccine alliance, and the World Health Organization (WHO) kasama na pati ang  UNICEF at PAHO Revolving Fund.

Ayon sa nakasulat sa webpage ng WHO:

COVAX is the vaccines pillar of the Access to COVID-19 Tools (ACT) Accelerator

The ACT Accelerator is a ground-breaking global collaboration to accelerate the development, production, and equitable access to COVID-19 tests, treatments, and vaccines.”

Ayon kay Sec. Duque kahapon sa kanilang meeting ni Pres. Rodrigo Duterte kasama ang mga opisyal ng kabinete, mayroong nasa 1.46 ang bilang ng lahat ng imbentoryo dito sa bansa. Ayon pa kay Sec. Duque:

 “Ang COVAX may stockpile po sila ng bakuna with longer shelf life. Yung mga nag-expire na sa atin, umabot na po ng about 3.6M doses, which is just about 1.46% of our total inventory… papalitan po iyan, ire-replace po ng COVAX facility.”

Dagdag pa din ni Sec. Duque na nakiusap din daw nila ni vaccine czar Carlito Galvez na pati ang mga nablii ng gobyerno ng Pilipinas ay mag expire na ay kung maari, kasama rin daw sa papalitan at hindi lang ang mga nai-donate.

Matatandaang noong August 2021, ang Japan ay nagpa “recall” ng 1.63 million ng Moderna vaccines na nagmula sa Cambridge, MA, USA dahil sa napag-alamang ang mga lugar na kinatatayuan ng mga pagawaan nito ay na contaminado ng “stainless steel”. Dahil dito, nakipag negosasyon ang gobyerno ng Japan sa Novavax at ito naman ay pumayag daw umano na mag supply ng 150 million doses ng bakuna kontra COVID.

Kung kaya noong September 2021, isang lalaki na nasa 49 years old ang naiulat na namatay sa Japan na sinasabing nabakunahan noong August 2021. Ang lalaki umanong ito, ayon sa ulat mismo ng Japan Times, ay pangatlo na sa namatay dahil sa bakunang contaminado ng stainless steel.

Sa balitang ito, ang tanong ay ano na ba ang nangyari sa iba pang mga nakatanggap ng Moderna vaccine sa Japan? Bakit tila wala nang balita mula sa mainstream news tungkol dito? At higit sa lahat, gaano karami ba ang nakakaalam sa mga organisasyong nabanggit o ang mga nagpapatakbo sa COVAX? Tiyak kayang dalisay at malinis ang hangarin ng mga ito? Hindi naman maikakaila na ang WHO ay kayang manipulahin at kontrolin ng mga elite na sila Bill Gates at Warren Buffet dahil ang mga pekeng humanitarian “foundation” nila ang mga pinakamalalaking nagbibigay ng pondo rito. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang GAVI, kasama na ang CEPI, ay pinondohan din ng Bill and Melinda Gates Foundation (BMGF).

Halimbawa, ang halaga ng pondong inilaan nila para sa CEPI ay sinasabing nasa $100 million sa taong 2017 pa lang, ngunit isa sa mga talagang nakikinabang dito ay ang mga malalaking pharmaceutical corporations, kasama na ang Pfizer, Novartis, GlaxoSmithKline and Sanofi Aventis. Kaya maliwanag na ito ay pagtutulungan ng mga big pharma na ang pakay talaga ay kumita ng malaking pera.

Ngunit alam naman nating hindi lang yan ang matatawag na “red flag” kung hindi pati na ang mga kasaysayan at mga criminal records ng mga kompanyang ito. Kung talagang uungkitin, makikitang malalaki ang mga binabayarang danyos ng mga kompanyang ito sa mga magulang o mga kapamilyang namatayan at nagsampa ng reklamo hindi lang dahil sa bakuna kung hindi pati na rin sa ibang mga gamot na gawa ng mga kompanyang ito. Noong nakaraang taon lang, naiulat na umabot ng $400 million ang kabuoang binayad ng mga big pharma sa krimeng nagawa ng mga ito.    

Sources:

https://www.cnnphilippines.com/news/2022/4/27/covax-replace-covid19-vaccines.html

https://www.who.int/initiatives/act-accelerator/covax

https://www.japantimes.co.jp/news/2021/09/07/national/science-health/third-moderna-vaccine-death/

https://www.justice.gov/opa/pr/pharmaceutical-companies-pay-over-400-million-resolve-alleged-false-claims-act-liability

Featured image: https://www.unicef.org/eap/press-releases/philippines-welcomes-arrival-covid-19-vaccines-covax-facility