Home People Iba’t ibang Grupo ng mga Pilipino Patuloy na Nakikipaglaban Kontra sa Sapilitang...

Iba’t ibang Grupo ng mga Pilipino Patuloy na Nakikipaglaban Kontra sa Sapilitang Pagbabakuna

90
0
SHARE

Simula nang mailabas ng gobyerno ng Pilipinas ang bakuna laban sa COVID-19 noong nakaraang taon, maraming mga Pilipino ang nagreklamo at kalaunan ay nagsampa ng kaso laban sa mga otoridad na responsible rito, partikular laban sa Department of Health (DOH) at sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) dahil sa mga di makatarungang polisiya ng mga ahensyang ito may kinalaman sa kanilang programang pagbabakuna. 

Dahil sa mga panggigipit na ginagawa ng mga nabanggit na ahensya, sa pamamagitan ng mga Local Government Unit (LGU), mga kapulisan, at mga kompanya, maraming mga manggagawang Pilipino ang natanggal sa trabaho at marami din ang mga napilitan na magpabakuna para lang makapasok na muli. Ang masaklap pa rito, marami din ang nagkaroon ng malalang masamang epekto (serious side effects) at ang iba naman ay talagang binawian ng buhay matapos makatanggap ng bakuna.  

Dahil dito, iba’t ibang mga grupo ng mga Pilipino ang nagprotesta at nagpasa ng mga petisyon laban sa vaccination program ng administrasyong Duterte. Ang iba sa mga ito ay aktibong makikita o masusubaybayan sa kanilang mga Facebook, Youtube, at iba pang mga social media platform kagaya ng COVID Call to Humanity (CCH), Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh), Gising Maharlika, Juan Dakila, Isang Malaya, at marami pang iba.

Bukod dito, mayron ding mga magulang na nagsumite ng petisyon na temporary restraining order (TRO) laban sa polisiyang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hannggang 11 taon, sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO). Ang mga magulang na ito, na ang iba ay dati nang namatayan ng anak dahil sa Dengvaxia, ay ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak sa kadahilanang ang bakuna kontra COVID-19 ay nasa eksperimental stage pa lang. Bukod din diyan, iginigiit din ng mga magulang na ito na ayaw nilang pabakunahan ang kanilang mga anak dahil marami na ang nagkaroon ng masamang epekto at namatay dahil dito.   

Sa tulong naman nila Atty. Aaron Soguilon, Atty. Manuel Fontanillia, Atty. Tanya Lat at ng iba pa, marami ding mga Pilipino ang nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban sa mga hindi makatao at napakadelikadong mga polisiyang ito ng gobyerno. Ang karamihan sa mga ito ay aktibo ngayon sa pagsama sa mga kilos protesta sa labas ng mga tanggapan ng mga ahensyang nabanggit at ang iba naman ay nag o-organisa ng mga prayer rally kagaya ng Alliance of Filipinos For Informed Choice (AFFIC) at ng Christian Alliance for Covid Resilient Philippines (CACRP).

Hindi lang mga manggagawa at mga magulang na may anak na nag aaral ang aktibong nakikipaglaban ngayon sa usaping legal kundi kasama na din ang mga guro na ayaw payagang makapagturo dahil hindi sila bakunado. At ang malungkot na balita tungkol dito ay balak talaga silang tanggalin sa mga paaralan kapag ayaw talaga nilang magpabakuna.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga nabanggit na grupo o kaya kung gusto ninyong sumuporta o tumulong sa kanila, magpunta lamang sa kanilang mga social media accounts:

CDCPh

https://www.facebook.com/Concerned-DX-and-CX-of-Philippines-107617331530041

CCH

https://www.facebook.com/covidcalltohumanity

Juan Dakila

https://www.facebook.com/akosijuandakila

Gising Maharlika

https://www.facebook.com/gisingmaharlika.tv/

Isang Malaya

https://www.facebook.com/isangmalayaofficial

AFFIC

https://www.facebook.com/AFFICph/

Christian Alliance for Covid Resilient Philippines (CACRP)

https://www.facebook.com/groups/1392722691081585/

Featured image: https://www.facebook.com/covidcalltohumanity