Home Uncategorized BARMM Nakatakdang Bakunahan sa Mayo; Mga Namatayan, Nagreklamo sa Social Media   

BARMM Nakatakdang Bakunahan sa Mayo; Mga Namatayan, Nagreklamo sa Social Media   

80
0
SHARE
Close-up shot of a Muslim young man worshiping in a mosque. Horizontal composition.

Nakatakdang bakunahan laban sa sinasabing COVID-19 ang mga taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Mayo, ayon kay Dr. Amirel Usman, director general of the Bangsamoro Ministry of Health.

Ang programang ito ay tinawag nilang “Bayanihan, Bakunahan”, kung saan pinaplano nilang mabakunahan ang nasa 215,776 ka tao at ito ay magaganap umano sa “Basilan (May 11-13, May 16-18); Lanao del Sur (May 16-20); Maguindanao (May 17-19); Sulu (May 11-13); Tawi-Tawi (May 18-20); Marawi City (May 5-7); and Lamitan City (May 11-13)”.

Sinabi din ni Dr. Usman na nasa 959,694 na ka tao ang sinasabing “fully vaccinated” sa BARMM at ito umano ay nasa 28% ng tinatawag na “target population”. Sabulit napabalita naman na babaguhin na umano ng Department of Health (DOH) ang pamantayan kung sino ba talaga ang matawag na “fully vaccinated”.

Matatandaang noong Enero nitong taon, napabalitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong umanong mga muslim na Tausug ang nagreklamo dahil sila ay pinilit kahit ayaw nilang magpabakuna. Ayon sa balita, ayaw umanong pasakayin sa barko sa North Harbor (Manila) ang mga ito kung kaya nagkaroon ng tensyon dahil dito. Dagdag pa ni Pres. Duterte, mayroon umamong mga muslim sa Mindanao ang ayaw talaga magpabakuna, partikular na dito ang mga Tausug, kung kaya kinausap niya si Sulu Governor Sakur Tan tungkol dito at pumayag ang iba sa kanila. Sinasabing ayaw umano magpabakuna ang mga Pilipinong muslim na ito dahil taliwas umano ito sa kanilang paniniwala o relihiyon.   

Sa kabilang banda, inaprobahan naman ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas noong nakaraang linggo ang anim na brand ng bakuna para sa pangalawang booster na sisimulang ipamigay ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) ngayong araw, April 25, para sa mga may edad 18 pataas. Ang mga bakunang ito ay mula sa Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik Light, and Janssen.

Dahil dito, maraming mga netizens ang nagreklamo sa social media, partikular sa Facebook, dahil ayaw na umano nilang magpabooster sa kadahilanang wala na silang tiwala sa bakuna dahil sa mga masasamang epektong naranasan nila dito. Ang iba din sa mga netizens na ito ay humihingi ng tulong pinansyal at nagpost ng mga larawan o kaya bidyo ng mga taong nagkaranas ng malalang epekto ng bakuna. Ang iba dito ay makikitang nasa napakasamang kalagayan sa ospital at ang iba naman at talagang namatay matapos mabakunahan.  

Samantala, dati na ring sinabi ni Dr. Edsel Maurice Salvana, isang molecular epidemiologist ng bansa, noong March 2021 na hindi naman talaga makakapigil sa paghawa o transmission ang mga bakunang ito.

Sources:

https://www.facebook.com/groups/1190239451450074

https://www.facebook.com/groups/302254751819537

https://www.pna.gov.ph/articles/1172471

https://www.pna.gov.ph/articles/1172727https://up.edu.ph/molecular-epidemiologist-explains-vaccine-effect-for-the-philippines/