Home Health Barangay Kagawad Pinilit na Bakunahan, Namatay Makalipas ang Ilang Oras

Barangay Kagawad Pinilit na Bakunahan, Namatay Makalipas ang Ilang Oras

133
0
SHARE

Isang Baranggay Kagawad na pinangalanang si Nor M. Kaising ang pinaniniwalaang namatay dahil sa bakuna matapos itong pilitin ng mga kapulisan at LGU workers sa may bandang boundary ng Kapatagan at Matanog noong March 12, 2022, ayun sa asawa nito na si Noralyn Kaising.

Binawian ng buhay ang kagawad pagka March 13 ng madaling araw, 2:20AM, ngunit sa ngayon, wala pang balita kung na ang nangyari sa mga pulis at LGU healthcare workers na sinasabing nakatalaga sa mga oras na iyon at responsable sa pagkasawi ng kagawad.    

Ayon sa salaysay ng asawa ni Nor Kaising, pinatigil umano sila sa may checkpoint na iyon na may nakabantay na mga sundalong marines at mga pulis na mga Maranaw. Hinanapan umano sila ng vaccine card at nang malaman ng mga pulis na hanggang first dose lang ang mag asawa, kinuha umano ang kanilang vaccine card at ayaw sila padaanin kung ayaw nilang magpabakuna ng pangalawang dose.

Ayaw na sanang magpabakuna ni Nor dahil natakot ito sa posibleng side effects dahil umano sa di mabuting dinanas nito sa kanyang unang dose. At nang tinanong umano si Noralyn kung bakit hanggang first dose lang siya, sinabi niya na dahil siya umano ay may congenital heart disease o problema sa puso. Ngunit sa kabila nito, pinilit pa rin daw sila ng mga pulis at pababalikin umano sila kung hindi sila magpapabakuna. Tanong umano ng pulis sa kanila, “anong gusto ninyo, umuwi o magpabakuna?” Kaya dahil dito, napalitan na lang umano si Nor Kaising na magbakuna.

“Pinipilit din nila ako pero sabi ko doon lang ako sa Cotabato (City). Hindi kami makaalis-alis kasi naka hold ang vaccine card namin habang nakaparada ang sasakyan. Pinilit talaga kami”, ayon pa rin sa kwento ng asawang si Noralyn.

Bukod sa sinabi na iyan ng mga pulis, tinakot din daw sila na pwede silang makulong kung ayaw nilang magpabakuna dahil mayron daw batas na nagsasabing kapag naka isang dose lang ay hindi umano ito sapat at maituturing na bakunado (fully vaccinated).

Isa rin daw sa mga pinababa ay ang kanilang barangay tanod na fully-vaccinated dahil naiwan umano ang vaccine card nito. Nakiusap umano si Noralyn at pinaliwanag na fully-vaccinated ang kanilang barangay tanod kaya lang naiwan nito ang vaccine card dahil sa pagmamadali ngunit iginiit pa rin ng mga pulis na dapat umano dala-dala nila lagi ang vaccine card.

Ayon din sa kwento ni Noralyn, marami umano ang binakunahan sa vaccination hub na iyon na nasa checkpoint.

Matapos umanong turukan si Nor, pinainom lang umano ito ng paracetamol at hinayaan silang umalis na hindi man lang sinabihang magpahinga. Pagdating umano nila sa Cotabato, sumakit na ang kaliwang braso ni Nor at pagdating ng madaling araw, nahirapan na umano itong huminga hanggang sa mabawian ito ng buhay. Dinala pa nila ito sa ospital ngunit si Nor ay “dead on arrival” na. Dagdag pa ni Noralyn:

“Naniniwala po ako na dahil dun sa second dose kaya namatay ang aking mister. Bumula ang bibig niya, parang poison… 100% yun talaga ang cause ng death ng aswa ko.”

Panawagan naman ni Noralyn sa mga taga gobyerno:

“Ako po yung asawa ni Nor Kaising, nananawagan na huwag niyo ipilit na bakunahan ang mga tao na ayaw. Wag po sapilitan. Itong nangyari sa mister ko, dahil po ito sa tinurok sa kanya. Ako po ay nananawagan sa ating mga politician, lalo na sa area ng Kapatagan, na kung ano po ang dahilan ng pagkamatay ng aking asawa, sana po ay matugunan kaagad kasi naniniwala po ako na namatay po yung asawa ko dahil sa vaccine na tinurok sa kanya… pinilit po kami kahapon.”

Panoorin ang buong interview kay Noralyn dito:

https://www.facebook.com/watch/?v=548714253055008

Featured image: Brigada News Cotabato City